Pinoy Reads Pinoy Books discussion

22 views
ABSBYNGPGBBSNGAKLT > Gagamba / The Spider Man ni F.Sionil Jose | Enero 6, 2014 (Po, K.D.)

Comments Showing 1-12 of 12 (12 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jan 05, 2014 08:10PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments magsisimula na sa Enero 6, 2014

Sali na!...Showing na ang Gagamba ngayon hehe!

Iskedyul ng Pagbabasa

Enero 2014
Chapter 1- Enero 6,7
Chapter 2- 8,9
Chapter 3- 10,11
Chapter 4- 13,14
Chapter 5- 15,16
Chapter 6- 17,18
Chapter 7- 20,21
Chapter 8- 22,23
Chapter 9- 24,25
Chapter 10- 27,28
Chapter 11- 29,30
Chapter 12- 31,Pebrero 1, 2014


message 2: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Po.

Mga kakweba, di nyo ba nami-miss si F. Sionil Jose?


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po, natapos ko yong Chapter 1 kagabi. Lindol at si Gagamba ang nabasa ko. Tao pala si Gagamba hehe! At naroon yong Camarin na bahay-aliwang pinagtrabahuhan ni Ermita doon sa librong "Ermita." Wala lang. Naaliw ako. Mamayang gabi ako magpo-post.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Po, natapos ko yong Chapter 1 kagabi. Lindol at si Gagamba ang nabasa ko. Tao pala si Gagamba hehe! At naroon yong Camarin na bahay-aliwang pinagtrabahuhan ni Ermita doon sa librong "Ermita." Wala ..."

@K.D.,
sabi ko na nga ba eh sabay din pala tayo nagbasa kagabi hehe natapos ko na rin siya. Ayun, naalala ko iyogn lindol sa Bohol-kung paano gumuho un mga bahay, simbahan, establisment, kakatakot! talaga!

Naalala ko rin un Ermita sa tuwing napapadaan tayo. Bilib din ako kay Gagamba o Penoy hehe! hindi siya natukso maging masama sa halip namuhay ng maayos sa kabila ng masamang lugar o tukso. Kaya saludo ako jan kay Gagamba hehe.

Gusto ko basahin ang mga sulat ni F.Sionil madaling maintindihan un English niya at malinaw ang mga salita.

Cge lang K.D. take your time I know marami tayong binabasa hehe lalo't may pakontest hehe!


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Itinutuloy ko ito kagabi. Kaso di ako naka-computer sa bahay dahil noong umuwi ako ginagamit ng misis ko. So, nagbasa na lang ako.

Si Gagamba ay ipinaglihi sa gagamba (spider). Matalino siya dahil matalas ang memorya. Di sya nakapag-aral pero binabasa nya paulit-ulit ang mga libro ng kanyang mga kapatid.

Tapos yong susunod na chapter ay tungkol sa Camarin. Ipinagbili ni Didi tapos yong bagong mayari, "tinitikman" lahat ng mga pokpok bago tanggapin. Ito rin yong Camarin sa Ermita.


message 6: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kuwento pala ito ng mga tao na napapunta sa Camarin. Tapos biglang lumindol at naipit sila roon. Maganda. Nagbabasa ako kaya lang walang time mag-post ng thoughts sa mga threads.


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Join din ako dito paborito ko rin ang F.Sionil books. Nabasa ko na ito dati pero i-re-read ko.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments @Book- welkam ka dito Book enitaym!

@K.D.- oo nga at ang daming isyu ang pinatamaan ni F.Sionil, para sa mga dayuhan at para sa ating bansa no wonder paborito siya ng mga ibang awtor sa ibang bansa grabe! ganda ng buk na ito!


message 9: by Leo (new)

Leo Aristotle | 1 comments Aba mukhang maganda ang libro na ito. Magaling talaga si F. Sionil Jose, sana makabili ako bukas ng librong ito.


message 10: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Leo wrote: "Aba mukhang maganda ang libro na ito. Magaling talaga si F. Sionil Jose, sana makabili ako bukas ng librong ito."

@Leo, sana sumali ka sa discussion, Leo! Mas marami, mas masaya ;)


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tapos ko nang basahin ito. Maikli lang. Kaya Po, sige umpisahan mo na ang pagtatanong at sasagot na lang ako hehe.

Huwag nyo na lang basahin ang rebyu ko (siguro bukas ko isusulat).


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Natapos ko na rin siya. Inuulit-ulit ko para sa mga pointers at magagandang kowts ni F.Sionil.


back to top