Pinoy Reads Pinoy Books discussion

123 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka!

Comments Showing 1-50 of 61 (61 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pagkatapos mong sumali sa grupo na ito. Magpakilala ka naman.

Simulan ko.

Ako si Doni Oliveros. K.D. ang alias ko rito dahil puwede mo akong tawaging Kuya Doni o Tito Doni. 56 years old na ako at may isang anak na 26 years old na. Isa akong IT Manager sa isang company sa Mandaluyong. Mahilig akong magbasa ng libro kahit noong bata pa. Naisipan kong itayo ang book club na ito dahil kung hindi natin babasahin ang sariling atin, sinong magbabasa nito?

Dating masigla ang book club na ito. Noong 2009 hanggang 2017. Pero noong mauso ang Facebook naglipatan na kami roon. Pero hindi kayang gawin ng FB ang mga features dito sa GR kaya naisipan kong bumalik. Siguro, yong mga batang kasapi rin noon, nagiba na rin ang interes ngayon. Ayos lang naman yon. Expected na rin. Halimbawa, hindi na sila nagbabasa ng Bob Ong. Dati, usong-uso rito si Bob Ong. Ngayon, wala nang libro si Bob Ong kahit sa National Book Store. Nagsara na rin kasi ang Visprint.

Kung naligaw ka lang dito, halika, magusap tayo. Muli nating pasiglahin ang Pinoy Reads Pinoy Books.


message 2: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Hi! Ako si Clare, isa sa mga naunang miyembro ng PRPB!

Nung sumali ako sa bookclub na ito, college pa lang ako! Mga 3rd year college ata. Grabe sobrang saya ko noong 1. Nalaman ko ang Goodreads, 2. May book club!, 3. May book club na nagbabasa lang ng Filipino books!

Ang saya kasi kahit nagbabasa na ako ng mga akdang pinoy noon pa, mas lumawak pa yung genre ng nababasa ko dahil sa sabayang pagbasa natin dito. Tapos, kinikita pa natin ang author, o di kaya pumupunta sa lugar ng author, or setting ng storya. Ang pinakamasaya ay makakilala ng mga bagong kaibigan.

Ngayon, pitong taon na ako sa pagtuturo. Matagal nang hindi aktibo sa book club pero nagbabasa pa rin ng mga akdang pinoy. Gusto ko ulit makibahagi sa mga activity sa bookclub. ✨

Nakakamiss naman dito sa Goodreads! Sana mabuhay ulit ng PRPB ang paggamit ng Goodreads. 💕


message 3: by Maria Ella (last edited Apr 06, 2021 09:37AM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hi, ako si Ella. 2012 ako sumali ng grupo na ito. And ang payat ko pa noon! hahaha

Sa sobrang dami kong ginagawa, kakaiba na ang pagpapakilala ko sa blog ko. Ganto sya~
Hindi maikukubli ang isang tao sa isang occupation. At hindi mo maipipilit ang isang tao sa iisang kahon. Nagmula sa isang mundo ng Pagtutuos, sumabak sa Dept of Finance at naging Government worker. Hindi nagtagal... Nag-Masters. Nagtangkang maging Lawyer, pero naging Toastmaster. Napirata, naging Londoner. Napirata ulit, naging Investment Banker. Book Reviewer. Laslas Reader. Hanggang sa naging Book Club Moderator. Online basher, lalo na ng mga jeje travelers. Nagka-Pandemic, naging gamer. Bumili ng Mic, naging podcaster. Let's bust the norm! I am Your Resident Jejebuster.


My professional gig is an Investment Banker in American bank located in the heart of BGC. Hilig ko ang pagbabasa mula pa noong bata pa ako — sa komiks ni mama sa probinsya. Tapos naging #laslasreader ako noong high school when I first read Tess of the D'Urbervilles.

Ayun na muna~


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare wrote: "Hi! Ako si Clare, isa sa mga naunang miyembro ng PRPB!

Nung sumali ako sa bookclub na ito, college pa lang ako! Mga 3rd year college ata. Grabe sobrang saya ko noong 1. Nalaman ko ang Goodreads, 2..."


Hi Clare, thank you sa pagpapakilala. Natatandaan ko pa noong una kitang makita sa meeting place natin: sa may Commonwealth Avenue! Innova pa ang kotse ko noon. Innova pa rin ngayon hahaha! Kasama mo pa noon si Diane.

Salamat naman sa pagpapakilala mo ulit. Sana muli, may maligaw na mga Clare dito - 3rd year college at natutuwa sa GR, sa pagbabasa at sa book club!


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maria Ella wrote: "Hi, ako si Ella. 2012 ako sumali ng grupo na ito. And ang payat ko pa noon! hahaha

Sa sobrang dami kong ginagawa, kakaiba na ang pagpapakilala ko sa blog ko. Ganto sya~

Hindi maikukubli ang i..."


Ang lakas ng tawa ko rito, Maria Ella. Payat ka pa rin naman ngayon. Si Ella po, mga kasapi (kakweba, yan ang term namin sa mga taga-PRPB) ay ang babaeng moderator ng book club na ito. Marami na po syang pinuntahan. Palipat-lipat ng interes. Pero ang masasabi ko lang ay stick-to-one sya. Isa lang ang love nya talaga - si boyfriend nya na medical doctor! :)


message 6: by Ker Metanoia (new)

Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manager para sa isang development bank ngayon. Working from home.

Sumali ako dito para sa sabayang pagbasa. Lumaki akong puro Ingles ang librong binabasa. Naengganyo akong magbasa ng Pinoy literature noong mabasa ko ang ilan sa mga librong nasa discussion page dito. Marami palang magandang Filipino books, hindi lang ako agad namulat. Gusto ko mag-catch up at ma-update sa tulong ng grupo.

Dapat sana dadalo ako sa group discussion para sa The Foods of Jose Rizal dati kaso naligaw ako. Haha. Iyon sana ang unang pagkakataong makikita ko ang ilang miyembro ng grupo. Hindi na naging posible ang pagdalo sa iba pang book discussion kasi hindi sumasakto sa off ko tapos eventually, umuwi na ako sa probinsya.

Nakakatuwa na may effort para buhayin ulit ang book club sa Goodreads. :) Hindi ko madalas nakikita ang post sa group sa Facebook, natatabunan ng halo-halong update.


message 7: by GenovaGee (new)

GenovaGee | 43 comments Hi! Ako si Genova. Sumali ako sa PRPB dahil kay Bb. Bebang Siy. Hindi ko maalala pero parang nabasa ko ang grupo na ito sa acknowledgements ng isa sa mga libro niya na nabasa ko noon. Hindi ko na maalala anong taon iyon pero early 20s lang ako noon at ngayon ay heto at nakakakita na ng paunti-unting puting buhok. Haha.

Hindi ako masyado aktibo sa grupong ito (pasilip-silip lang sa mga kaganapan at mga binabasa ng mga narito). Ninais ko noong sumama sa activity na pumunta kay Sir Ricky Lee (hala, ito ba yung grupo na iyon? Marami kasi akong sinalihang bookclub noon. Hahaha) kaso tiga-South ako at wala gaano muwang sa North. Hinamak pa ako nung ka-M.U. ko noong panahon na 'yon kung alam ko daw ba iyon (tiga-North kasi siya).


Sa ngayon ay nabigyan ako ng pagkakataon na maging government worker sa isang judiciary institution sa Maynila. Ang huling binasa kong Pinoy books ay, "Rizal without the Overcoat" ni Ambeth Ocampo. Medyo nahihirapan na akong maghanap ng Pinoy books ngayon. Nawa ay makarinig ako mula sainyo kung saan pwede maka-spot. Salamat!


message 8: by a (new)

a Hello po! First time ko atang magpopost dito sa PRRB hehe. Bagong member lang po kasi ako. Ako po si Elle, 19 years old at kasalukuyang freshman sa UP Diliman. Sumali po ako sa grupong ito kasi kamakailan lang din ako nahilig sa pagbabasa ng lokal na panitikan--gaya ng marami, lumaki rin akong puro English / American na libro ang binabasa :< Sana ay mas marami pa akong mga matuklasang magagandang lokal na libro!!

Sa ngayon po ay binabasa ko ang "Abi Nako, Or So I Thought" ni Jhoanna Lynn Cruz. Maganda po siya! Lately ay natutuwa na rin akong magbasa ng non-fiction, lalo na ang mga memoir gaya ng Abi Nako.

Sana po ay mas makilala pa natin ang isa't isa! Hahaha susubukan ko na ring maging aktib dito sa group at sa Goodreads in general, kaso medyo mahirap kasi halos wala na akong oras magbasa dahil sa acads/orgs/part-time work. >_<


message 9: by a (new)

a GenovaGee wrote: "Hi! Ako si Genova. Sumali ako sa PRPB dahil kay Bb. Bebang Siy. Hindi ko maalala pero parang nabasa ko ang grupo na ito sa acknowledgements ng isa sa mga libro niya na nabasa ko noon. Hindi ko na m..."

Hello po! Sa Shopee at Lazada po marami akong nahahanap na Pinoy books, lalo na sa mga shops ng iba't ibang University Press :D Madalas din po silang mag-sale kaya abangerz na lang po tayo hehehe


message 10: by Maria Ella (last edited Apr 07, 2021 07:52AM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Ker Metanoia wrote: "Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manager para sa isang development bank ngayon. Working from h..."

Sad reax!!! Hindi ka nakarating sa bahay ni Bebang! Ansarap pa naman ng mga ulam kasi andami naming hinanda para subukan yung mga recipe sa libro hehehe.

May naging cookfest rin kami sa CCP before. Kung aware ka sa librong Maranao, sinubukan rin namin itong i-showcase sa mga audience, kasi andaming nilalamang kwento at kasaysayan.

Next time kapag may ganitong pakulo, sama ka. Kahit zoomustahan langs hehe


message 11: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments GenovaGee wrote: "Medyo nahihirapan na akong maghanap ng Pinoy books ngayon. Nawa ay makarinig ako mula sainyo kung saan pwede maka-spot. Salamat!"

Gurl meron sa Lazada! yung mga LazMall authorized stores, legit sila na may stock. Tapos if you are still Manila-based, madali nillang ideliver yung mga libro. Ateneo Press has a good roster of fiction and essays this year. Yun lang, sadyang may kamahalan sya compared sa other publishing houses.

Bet ko rin yung mga nire-reprise ni Anvil Publishing, especially Lualhati Bautista works.


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ker Metanoia wrote: "Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manager para sa isang development bank ngayon. Working from h..."

Hi Ker! Parang familiar nga sa akin ang name mo dito sa Goodreads. Salamat sa pagpapakilala. Time flies, ano? Dati puro kayo mga bata pa. Ngayon kumikita na. Ibabalik natin ang pagbabasa ng sabayan, kahit sa Zoom lang. Ngayon kasi even months before the pandemic di na mapagkasunduan kung anong librong babasahin. Siguro time na rin para mag-ebook kahit gusto ko pa rin talaga ay physical book. May idea ka ba ng magandang libro na pwedeng magandahan ang marami sa atin?


message 13: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
GenovaGee wrote: "Hi! Ako si Genova. Sumali ako sa PRPB dahil kay Bb. Bebang Siy. Hindi ko maalala pero parang nabasa ko ang grupo na ito sa acknowledgements ng isa sa mga libro niya na nabasa ko noon. Hindi ko na m..."

Doon ata kami na-acknowledge as Nuno sa Puso Part 2 ata kami. Sayang di ka pa namin na-meet ng personal. Pero may pagkakataon pa. Zoom naman ang kumustahan. May Zoom din ang aming Toastmasters Club - Pinoy Readers Toastmasters Club. Book club na, Toastmasters Club pa. So, medyo nagbra-branch out na kami para sa personal development ng mga kakweba. Hanapin mo kami sa FB. Itong grupo na ito, PRPB nasa FB rin.

Nag-Ricky Lee na kami para sa librong "Para Kay B." Doon idinaos sa library niya sa Xavierville. Ang panayam na iyon ang isa sa mga most attended event ng PRPB. Ang iba pa ang kay Eros Atalia "Ligo na U, Lapit na Me" at yong kay Munsayac "Ang Aso, Ang Pulgas at ang Kolorum". Two years ago, marami rin yong "Bagay Tayo" ni Gracio.


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
aidrielle wrote: "Hello po! First time ko atang magpopost dito sa PRRB hehe. Bagong member lang po kasi ako. Ako po si Elle, 19 years old at kasalukuyang freshman sa UP Diliman. Sumali po ako sa grupong ito kasi kam..."

Mukhang interesante nga ang "Abi na Ko, Or so I Thought." Sige, bibilhin ko yan sa next Shopee shopping ko. Marami akong nabili lately ay sa UP Press. Katatapos ko lang ng poem collection ni Charlie Samuyac "The Love of a Certain Age." Ire-review ko na nga.

Thank you sa pagpapakilala. Sana maging aktibo ka rito para may kausap ako bukod kay Ella, Ker at Genova.


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maria Ella wrote: "GenovaGee wrote: "Medyo nahihirapan na akong maghanap ng Pinoy books ngayon. Nawa ay makarinig ako mula sainyo kung saan pwede maka-spot. Salamat!"

Gurl meron sa Lazada! yung mga LazMall authorize..."


Bakit nga ang mamahal ng Ateneo books? Hahaha


message 16: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments K.D. wrote: "Clare wrote: "Hi! Ako si Clare, isa sa mga naunang miyembro ng PRPB!

Nung sumali ako sa bookclub na ito, college pa lang ako! Mga 3rd year college ata. Grabe sobrang saya ko noong 1. Nalaman ko an..."


Grabe no! Napakamakasaysayan ang sasakyan mong Innova kuya!
Sana nga mas maraming mahikayat na sumali sa book club!


message 17: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments K.D. wrote: "Maria Ella wrote: "GenovaGee wrote: "Medyo nahihirapan na akong maghanap ng Pinoy books ngayon. Nawa ay makarinig ako mula sainyo kung saan pwede maka-spot. Salamat!"

Gurl meron sa Lazada! yung mg..."


Siguro dahil ang ganda ng mga papel nila? Amoy bagong libro talaga!


message 18: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Ker Metanoia wrote: "Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manager para sa isang development bank ngayon. Working from h..."

Hello! Sana maging aktibo tayo ulit sa group! :)


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare wrote: "K.D. wrote: "Clare wrote: "Hi! Ako si Clare, isa sa mga naunang miyembro ng PRPB!

Nung sumali ako sa bookclub na ito, college pa lang ako! Mga 3rd year college ata. Grabe sobrang saya ko noong 1. ..."


Kung nakakapagsalita lang yong Innova, maraming tsismis yon tungkol sa PRPB hahaha. TFG days pa rin!


message 20: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments GenovaGee wrote: "Hi! Ako si Genova. Sumali ako sa PRPB dahil kay Bb. Bebang Siy. Hindi ko maalala pero parang nabasa ko ang grupo na ito sa acknowledgements ng isa sa mga libro niya na nabasa ko noon. Hindi ko na m..."

Hello! Sabay-sabay tayong magbasa ng Filipino books! Naku pasensya na, palagi na lang kayo mga tig-South ang dumadayo :( Sana next time, mga tiga-North naman magtravel paalis ng norte no? Hahaha


message 21: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments aidrielle wrote: "Hello po! First time ko atang magpopost dito sa PRRB hehe. Bagong member lang po kasi ako. Ako po si Elle, 19 years old at kasalukuyang freshman sa UP Diliman. Sumali po ako sa grupong ito kasi kam..."

Hello, Elle! Naku nasa phase ka ng life na maraming ganap! Pero kayang kaya mo yan. ;) Sali ka sa mga discussion kapag may libre kang oras. Importante ay healthy physically at mentally lalo na ngayong panahon. Sana makatulong din ang pagbabasa kahit paano :)


message 22: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments K.D. wrote: "Clare wrote: "K.D. wrote: "Clare wrote: "Hi! Ako si Clare, isa sa mga naunang miyembro ng PRPB!

Nung sumali ako sa bookclub na ito, college pa lang ako! Mga 3rd year college ata. Grabe sobrang say..."


OMG Hahaha best times :D


message 23: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare wrote: "GenovaGee wrote: "Hi! Ako si Genova. Sumali ako sa PRPB dahil kay Bb. Bebang Siy. Hindi ko maalala pero parang nabasa ko ang grupo na ito sa acknowledgements ng isa sa mga libro niya na nabasa ko n..."

Sana nga bumalik na sa dati na puwedeng magkita-kita!

Ker, Genova at Elle, nag-send nga pala ako sa inyo ng friend requests dito sa GR.


message 24: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare wrote: "aidrielle wrote: "Hello po! First time ko atang magpopost dito sa PRRB hehe. Bagong member lang po kasi ako. Ako po si Elle, 19 years old at kasalukuyang freshman sa UP Diliman. Sumali po ako sa gr..."

Yan edad mo ngayon Elle yong edad ni Clare noong una ko syang makilala. Lolo mo na ako hahaha


message 25: by Ker Metanoia (new)

Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Maria Ella wrote: "Ker Metanoia wrote: "Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manager para sa isang development bank n..."

Super sad nga! Kung tama ako ng alala, nag-volunteer akong magdala ng pastillas. Basta, panghimagas iyong bitbit ko noon. Haha. Nilantakan ko na lang on my way home. Panglunas sa misadventure. G ako sa zoomustahan!


message 26: by Ker Metanoia (new)

Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments K.D. wrote: "Ker Metanoia wrote: "Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manager para sa isang development bank n..."
Hi Kuya Doni! Lagi akong may entry dati doon sa diary na discussion board kaya siguro pamilyar. :D Nabasa na ba ng grupo ang Trese? Iyon pa lang nasa radar ko.


message 27: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Ker Metanoia wrote: "K.D. wrote: "Ker Metanoia wrote: "Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manager para sa isang devel..."

It's been a while since we have that Trese komiks discussion. Not sure if naisama namin sa Book Talakayan noon, kasi biglaang nag-Denmark si boss Budjette (charot).

Pero pwede nating i-raise ito ulit sa zoomustahan o sa mga magiging bardagulan sesh / book discussion sesh bilang malapit na ito ipalabas sa Netflix! :D


message 28: by Leonardo (new)

Leonardo Chan Jr. (lheochan) | 3 comments Hi guys, my name is Leo. I got interested in this group because of K. D. Absolutely — which I could address you properly with Mr. or Ms./Mrs. — when I stalked his/her profile. I admire him/her because I thought he/she earned the right to have an opinion on a lot of titles because he/she have read a wide range of genres and I can use it as a tool to help me with my book purchases. I would like to take this moment to thank you for saving me a lot of time. That's what we call public service. Thank you from the bottom of my heart. Also, I'm writing a novel. I could use all these reviews to avoid a lot of mistakes from even the likes of Palanca awardee writers haha. May the force be with us all.


message 29: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Leonardo wrote: "Hi guys, my name is Leo. I got interested in this group because of K. D. Absolutely — which I could address you properly with Mr. or Ms./Mrs. — when I stalked his/her profile. I admire him/her beca..."

Hi Leo!!! Nice to meet you! Si KD (aka Kuya Doni) trended and bashed!!! in his 2012 book review of Lualhati Bautista (view spoiler) because he was reviewing the books as soon as he was done reading it. Super fresh nga ng mga insights nya kapag nagre-review. There are times that we have opposing (bordering polarizing) views becuase of our personal reading experiences and how it relates/ has reflected the daily mundane.

Good to know na nagsusulat ka!!! I am not a novelist, but I do creative nonfiction, mostly being posted in my personal blog, or tucked in a hidden site under a pen name. Feel free to roam our profiles and have a sight-see of our reviews~

Baka kailangan mo rin ng mga bet reader or whatnot, willing naman kami sa PRPB. Ayun lang, be ready na rin siguro on our inputs hehe


message 30: by Leonardo (new)

Leonardo Chan Jr. (lheochan) | 3 comments Hi Ma'am Maria, I already added you po. Thank you for introducing Sir Doni. I'm happy to be here. I will po, once matapos ko ang research about sa susulatin ko. I let you know if ready na po siya. I'm also planning po to submit to Palanca as well. :3


message 31: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Leonardo wrote: "Hi Ma'am Maria, I already added you po. Thank you for introducing Sir Doni. I'm happy to be here. I will po, once matapos ko ang research about sa susulatin ko. I let you know if ready na po siya. ..."

Hi Leo! Mabuti't naligaw ka rito. Kailangan namin ng mga novelists na kagaya mo para turuan rin kaming magsulat hahaha! Attend ka ng bookmustahan (via Zoom) para magkita-kita naman tayo kahit via Zoom.


message 32: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maria Ella wrote: "Ker Metanoia wrote: "K.D. wrote: "Ker Metanoia wrote: "Hello! Ako si Ker. Hindi ko na maalala kung anong taon ako sumali, nasa media pa ako noon so bandang 2016-19. Isa na akong social media manage..."

Hahanapin ko nga yong mga Trese ko. Baka pwede nga nating unang libro sa sabayang pagbabasa. Nami-miss ko na yong Sabayan. Thank you, Metanoia. Pag me bookmustahan, i-post ko rito yong zoom meeting ID at password. Tentatively: May 22, 1-3pm.


message 33: by Leonardo (new)

Leonardo Chan Jr. (lheochan) | 3 comments Yes, Sir Doni. I will. see you po there.


message 34: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Leonardo wrote: "Yes, Sir Doni. I will. see you po there."

Salamat, Leo :)


message 35: by Josephine (last edited Apr 29, 2021 11:27PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Magandang hapon, mga kakweba! Kumusta na kayo? Isa ako sa mga dating kasapi ng PRPB, parang 2009 yata andito na ako. Lulubog lilitaw haha. Antagal na pala, 12 years na, ibig sabihin, 30 lang ako noon. Ambilis ng panahon.

Writer ako noon, writer pa rin hanggang ngayon, nagbabago lang ang tema ng sinusulat depende sa panahon. Dati puro technical manuals pero nakakaiyak dahil sobrang boring, ngayon naman news at entertainment articles saka sex toys and underwear articles hehehe ^_^

Bata pa ako ay mahilig na akong magbasa, hindi pa man ako nag-aaral, siguro kasi walang reception ng TV sa probinsya namin at wala naman kaming betamax. Sa komiks talaga ako natutong magbasa, tapos noong madiskubre ko ang mga libro na iniwan ng yumao kong ina, doon ko na talaga nakahiligan ang pagbabasa.

Kaso sobrang tragic ng mga nababasa ko dati na akdang Pinoy. Madalas may namamatay, inaapi, at puro kahirapan ang tema (nakulong, nanakawan, napagbintangan, walang pambiling gamot: namatay, namasukang katulong na-rape at namatay, nag-prosti basta mga ganyan) at kung 4, 5, 6, 7 years old ka, masyado nga sigurong mabigat (kaya rin siguro kahit bata pa ako ay sobrang seryoso ko ng tao haha).

Kaya rin siguro noong 7 ako, nag-switch na ako, puro love story na ang binabasa ko. Sa mga akda nina Helen Meriz at Gilda Olvidado ako nagsimula. Dito rin ako nagsimulang magbasa ng foreign works (mga mills and boon books).

Kalaunan, kahit mga history at biography ng mga bayani natin etc., binabasa ko na rin. Hanggang mahiligan ko ang Sweet Valley High (foreign), kaso namatay si Regina Morrow kaya tumigil ako sa pagbabasa noon haha kaya sa Nancy Drew at Hardy Boys ko ibinaling ang atensyon ko.

Sa kasalukuyan, marami akong akdang Pinoy na kailangang basahin. Binili ko ang mga aklat ni Eliza Victoria kasi nga magsasara na ang Visprint, gusto ko rin makumpleto ang Trese, 1-3 pa lang ang nabili ko. May mga akda rin ako ni Rin Chupeco na hindi pa nababasa, 'yung The Bone Witch series nya saka The Girl from the Well series. May Manix Abrera collection rin ako na galing sa kakweba nating si Ryan (Rise), kailangan ko na ring basahin at marami pang iba. Natatabunan na ako huhu. 'Yun lang muna at mahaba na, bow. ^_^


message 36: by Katya (new)

Katya (kaliwat) | 2 comments Magandang tanghali sa lahat!

Ako po si Katya. Ang mga primaryang kong wikain (nagkasunod-sunod batay sa kabihasnan ko sa mga ito) ay Surigaonon, English, Bisaya, Tagalog, at Español. Kabilang sa mga paborito kong aklat na Pinoy ay mga dikathang-isip na obra ni Jose Rizal, mga maikling kwento ni Nick Joaquin, at mga epiko at kwento ng iba't ibang pangkat-etniko sa Pilipinas (at pati na rin ang mga etnograpiya at mga balangkas hinggil dito.

Nag-aaral ako ngayon ng sosyolohiya sa Pamantasan ng Pilipinas sa UPLB ngunit ang mga primaryang interes ko ay ang lingguwistika at mga sinaunang relihiyon. Nasasabik akong makilala kayon lahat at makasali sa mga usapan ukol sa mga basahing Pinoy. Abante!


message 37: by Josephine (last edited Apr 28, 2021 05:02AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Katya wrote: "Magandang tanghali sa lahat!

Ako po si Katya. Ang mga primaryang kong wikain (nagkasunod-sunod batay sa kabihasnan ko sa mga ito) ay Surigaonon, English, Bisaya, Tagalog, at Español. Kabilang sa ..."


Hello, Katya! Welcome to PRPB! Nagagalak ako na makita at makilala ka rito. Bigla kong naalala ang aking buhay kolehiyo, parang kahapon lang ay naglalakad ako mula sa aking dormitoryo sa Women's papuntang Humanidades. Wala na siguro ang gusali na 'yun. Pag umuulan ng malakas dati ay binabaha ang basement pero tuloy pa rin ang klase namin, itinataas lang namin ang aming mga paa haha. Kahit pa madilim kasi nawalan ng ilaw. Good times.

Interesado rin ako sa lingguwistika, kaya lang ay tamad akong mag-aral. May mga kaibigan pala ako noong kolehiyo na kumuha ng Arabic at Nihongo as electives, baka interesado ka.


message 38: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "Magandang hapon, mga kakweba! Kumusta na kayo? Isa ako sa mga dating kasapi ng PRPB, parang 2009 yata andito na ako. Lulubog lilitaw haha. Antagal na pala, 12 years na, ibig sabihin, 30 lang ako no..."

Jo, parang naalala ko bigla kung paano ako humanga sa yo dahil doon sa children's book mo na kulay kahel. Sorry, nalimutan ko yong name. Pero noon pa man, bilib na ako sa yo, dahil kami mambabasa lang tapos ikaw manunulat na.


message 39: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katya wrote: "Magandang tanghali sa lahat!

Ako po si Katya. Ang mga primaryang kong wikain (nagkasunod-sunod batay sa kabihasnan ko sa mga ito) ay Surigaonon, English, Bisaya, Tagalog, at Español. Kabilang sa ..."


Maligayang pagsali sa PRPB, Katya! Minsan ko lang narating ang UPLB pero maganda yong campus dahil maraming puno. Masarap samyuin ang sariwang hangin. Marami ring puno sa Diliman pero magiisip ka pa rin kung sariwa ba talaga yong hangin.

May sanga na itong PRPB - yong Pinoy Readers Toastmasters Club. Yong book discussion ay parang Toastmasters club meeting na. Interesado ka bang sumali? Hanapin mo ako sa FB - Doni Oliveros. Ang profile pic ko ay nago-oathtaking :)


message 40: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Josephine wrote: "Magandang hapon, mga kakweba! Kumusta na kayo? Isa ako sa mga dating kasapi ng PRPB, parang 2009 yata andito na ako. Lulubog lilitaw haha. Antagal na pala, 12 years na, ibig sabih..."

Salamat, Kuya! Brightest ang titulo ng libro.

Magaling ka kaya magsulat, kuya. Ang pagsusulat ng libro ay naaaral, may struktura rin kasi, ang mahalaga, may talent at skills ka na, at kaya mong simulan at tapusin. Matagal na akong hindi nakakapagsulat ng sariling akda, sana ay makatapos ulit ako ang mahalaga ay sumusubok ulit.

May tanong pala ako, ano'ng taon nga ulit itinatag ang PRPB? hahahaha! Nalito ako bigla, 2009 ba o 2012? salamat, salamat!


message 41: by Ker Metanoia (new)

Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Gusto ko lang mag-hello sa mga nagpakilala. Nakakatuwa pala ang mix natin dito sa grupo. Nakaka-inspire ding pag-aralan at pagbutihin ang pagsusulat sa Filipino.


message 42: by J.D (new)

J.D Rivera | 1 comments Hello ako si Judah Katrina Rivera JD nalang for short or Jude taga Mindanao ako,South Cotabato 17 years old walang bookstore dito saamin kailangan pa pumunta ng General Santos City o di kaya Davao para bumili ng mga libro puro ingles talaga ang binabasa ko at di rin ako mahilig sa mga fiction ngunit gusto kung mag explore ng iba't ibang genre napadpad ako dito dahil nakita ko ang mga review ni KD sa mga pinoy books na balak kung basahin. Salamat sa pag accept sir KD sana mas marami pa akong matuklasang mga libro na sarilling atin sa pamamagitan ng book club na ito.


message 43: by AlaraChan (new)

AlaraChan IDA | 2 comments Hello po, ako si Chan (pero pen name ko talaga ito). Matagal na po ako ditong lurker. Hindi ko po alam kung nagpakilala na ako dati kasi nga... lurker po ako hahaha. Mahilig akong magbasa simula pagkabata at natuto ako sa pagbabasa ng komiks. :) Paborito kong basahin ang mga fantasy at science fiction, at kalaunan ay nahilig din ako sa Pinoy speculative fiction. Nalungkot ako ng nagsarado ang Visprint kasi maraming fresh voices na manunulat doon pero masaya na rin ako ng malaman ko na ipinagpatuloy ng Avenida Publishing ang paglilimbag ng Trese.


message 44: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hello Ker, JD and Chantal!

Sobrang bihira na ako dumalaw sa mga group pages kasi mas maraming book discussion na ang nangyayari sa iba't-ibang pages ng facebook ngayon. Recently ang binabasa ko naman ay Bone Talk ni Candy Gourlay kasi sasali ako sa book discussion ng National Book Development Board (NBDB) at magho-host si kuya Bodjie Pascua ng Batibot hehe (millenial things, cheka!)

Anu-ano ba ang mga binabasa nyo? Namulat rin ako sa Visprint! Nang makita ko yung Dumot ni Alan Navarra noong nagwowork na ako sa Corporate, lalo akong na-enganyo magbasa ng mga contemporary works. Sa speculative fiction, hindi ko gamay ang mga likha ni Dean Alfar, pero mas naantig ako sa mga gawa ni Eliza Victoria, lalo na yung collaboration nya with Mervin Malonzo. Visprint din yun!!!

Nagsara man ang Visprint, pero may bago silang mukha — yun ang Avenida publishing. Hindi pa sila nagsisimulang magtanggap ng mga bagong manuskrito, sinusubukan nila munang mag-engage ng market sa pamamagitan ng Trese komiks.

Ayun lang muna hehe, andami kong ebas~ next time balik ako tas kwentuhan ulit!!!


message 45: by Agnes (new)

Agnes (agnesr) | 3 comments Hello! Ako si Agnes. Dito po ako sa Pilipinas ipinanganak at lumaki, pero sa laking swerte ko, ngayon nag-aaral na ako sa Amerika ng aerospace engineering. Mahilig kasi ako sa transportasyon at sa mga tren hahaha.
Nakauwi ako dahil sa pandemya at nagpapasalamat ako dahil napapaligiran uli ako ng mga marunong mag-Tagalog at dahil rin may oras ako para sa pagbabasa. Noong bata pa ako mahilig na ako magbasa; kadalasan Ingles ang mga binabasa ko pero sinasadya ko talaga ngayon na magbasa ng mas maraming lokal na libro. Ngayon na lumalawak ang tingin ko sa mundo, mas nakikilala ko ang mga panitikan sa iba't ibang panig ng mundo, at lubos na nalulungkot ako dahil gusto ko ring makaabot sa pandaigdigang plataporma ang Panitikang Pilipino. (Kung may ideya kayo kung paano ako makakatulong, gusto ko malaman!)
Masayang masaya ako na nahanap ko ang grupong ito, at nasasabik akong makilala kayo at makatuklas ng mga magandang librong Pilipino!


message 46: by Jeselle (last edited Jun 24, 2021 07:46AM) (new)

Jeselle | 1 comments Hello! Ako si Jes. Ngayon lang ako nagjoin sa group na ito. Masasabi kong mahilig akong magbasa pero iilan pa lang ang nababasa kong mga lokal na akda.

Ang totoo nyan mas na-appreciate ko ang ating kultura nang manirahan ako sa España ng 3 taon. Isa sa mga bagay na ikinamangha ako ay pag nagpupunta ako sa mga bookstore, maraming matatagpuan na mga aklat na mula sa manunulat ng mismong siyudad! Yung mga kaibigan ko din dun binabasa nila yung mga akda ng local authors at may nagregalo pa nga sa akin ng isang libro. Nakakatuwa nung binasa ko yun dahil kabisado ko na yung siyudad, amazing experience talaga! Napaisip tuloy ako bakit wala akong kilala na manunulat mula sa aming siyudad? At ngayong nakauwi na ulit ako ng Pinas, syempre yun ang hinanap ko at nabasa ko nga yung "Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC".

Ngayon ay medyo marami na akong nabiling mga libro (at babasahin pa lamang) mula sa local authors. Salamat, Lazada at Shopee. Hehe.


message 47: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Hello, Jes! Welcome to PRPB! Ok lang 'yan kahit konti pa lang ang nababasa mo, ang mahalaga, magmula ngayon ay magbabasa ka na ng akdang Pinoy. Sa kaso ko naman, maaga akong na-expose sa likhang Pinoy salamat sa komiks at sa mga aklat na iniwan ng yumao kong ina. Kaya lang, di kalaunan ay puro Tagalog romance pocketbooks na lang ang binabasa ko dahil puro malulungkot ang mga nababasa ko na kuwento dati hanggang sa puro foreign works na lang ang binabasa ko. Nito lang ako ulit nagbalik-loob haha. Every month, may 1 libro o kwento tayo na binabasa at may talakayan tayo sa discord.

Ngayong buwan ng Hulyo, ang babasahin ay "Ang Tahanang Hindi Tumatahan."

https://drive.google.com/file/d/1H8eu...



Jeselle wrote: "Hello! Ako si Jes. Ngayon lang ako nagjoin sa group na ito. Masasabi kong mahilig akong magbasa pero iilan pa lang ang nababasa kong mga lokal na akda.

Ang totoo nyan mas na-appreciate ko ang atin..."



message 48: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Agnes wrote: "Hello! Ako si Agnes. Dito po ako sa Pilipinas ipinanganak at lumaki, pero sa laking swerte ko, ngayon nag-aaral na ako sa Amerika ng aerospace engineering. Mahilig kasi ako sa transportasyon at sa ..."

Hello, Agnes! Welcome to PRPB! Nagagalak ako na makita kayong dalawa ni Jes dito. Sana ay makasali kayo sa talakayan ngayong July 10, 4-6pm.

ito ang discord channel ng PRPB:

https://discord.com/channels/84052335...


message 49: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Agnes wrote: "Hello! Ako si Agnes. Dito po ako sa Pilipinas ipinanganak at lumaki, pero sa laking swerte ko, ngayon nag-aaral na ako sa Amerika ng aerospace engineering. Mahilig kasi ako sa transportasyon at sa ..."

Hi Agnes!!! Nagulat naman ako dito at na-explore mo ang PRPB Group page! Kakatuwa. Meron rin sa facebook, instagram at twitter ang group. Search the keyword @pinoyreads.

Promote ko na rin yung podcast namen na nagkakausapan at nagkakachismisan tungkol sa pinoy na akda, go to bit.ly/booktalakayan

Meron din kaming live daldalan sa discord ng children's book this July 10th. Kung may chance ka, punta ka lang sa voice channel ng Discord. Hehe


message 50: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Jeselle wrote: "Hello! Ako si Jes. Ngayon lang ako nagjoin sa group na ito. Masasabi kong mahilig akong magbasa pero iilan pa lang ang nababasa kong mga lokal na akda.

Ang totoo nyan mas na-appreciate ko ang atin..."


Hello Jes!!! Truuuuu yung salamat shopee ay grabe nga makabudol sa mga local works. Effective na ang book shopping online kasi kita na dun ano ang may stock at maaasahan ang delivery. Hehe


« previous 1
back to top