Pocket-Reader's Hive discussion
note: This topic has been closed to new comments.
Book of the Week
>
Book of the Week (BOW)
date
newest »
newest »
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.


Bakit Book of the Week, pwede namang Book of the Month?
Excuse me, ang nipis lang ng pocketbook at alam kong kaya nating basahin to sa isang araw or dalawa. Kung gawin nating isang buwan to, mabobored lang tayo sa kakahintay para sa next book discussion.
Ilang libro ba ang madidiscuss sa isang taon?
52 to 53 books, yan ang average weeks sa isang taon. Di naman yata mabigat sa bulsa yan. The more the merrier right? Hehe.
Required po bang sumali sa Book of the Week?
Walang nagsabing required magbasa, this is optional. Ginawa lang 'to para maging aktibo ang grupo. Kung makakasali kayo, edi sige, mas masaya yun.
Libre po ba ang kopya ng libro?
Maniwala ka o sa hindi, gusto ko sanang mamigay pero wala akong perang pangtustus sa lahat ng member. Katulad niyo rin ako, di masyado malaki ang pera. Enough to pay my bills for a month. Pero sakasakali, may mga member naman yatang desididong magpahiram ng kopya. Pero ask muna kayo, in my part, hindi ako nagpapahiram sa di ko pa kilala personally. May mga future contests rin tayo at baka isa ka sa mga mananalo.
San po kami pwedeng mag-nominate ng mga librong wala sa listahan?
Every week, merong thread na ilalagay para mag-nominate ng mga librong gustong basahin but please, kung pwede lang, ang mga librong i-suggest ay di obsolete. Kinakailangan natin ng kopya at di tayo mang-dig ng pocketbook sa Recto. Depende na lang kung disidido kang magprovide! Haha. Peace lang bro!
May mga tanong po ako at suggestion, san po ba pwedeng magpost?
Pwede kang mag-post under Suggestions and Questions sa folder na 'to. Anything you want to suggest pwede mong ilagay dun. Opinion man base on your experience or not. Pwedeng pwedeng i-discuss dun.