Edgar Calabia's Friend Comments
Comments (showing 1-4)
post a comment »
date
newest »
newest »
message 4:
by
Edgar Calabia
Oct 09, 2012 06:37PM
Ha ha. Oo nga, K.D. Maganda nga. Hindi, wala akong dramang ganoon. Ngayon e busy lang dahil finals week na at ang oras e nauubos sa pagchecheck ng papers ng mga estudyante. Salamat, salamat! Salamat din sa reviews ng mga libro ko. Ang working title ng nobelang sinusulat ko ngayon ay Pitumpu’t Pitong Pu*a (yes, ganyan talaga, kasama ang asterisk sa pamagat). Hopefully, ito ng tatapos sa aking Numbers Trilogy o Trilohiya ng mga Bilang. Pero matagal-tagal pang matapos ito. Bawal nobela, inaabot ako ng tatlo-apatna taon, actual writing lang. Pero siyempre, kasama na roon ang katotohanang kailangan ko rin kasing magtrabaho, magturo, magbigay ng mga panayam, at iba pa.
reply
|
flag
Edgar wrote: "Ha ha. Salamat din sa suporta, K.D. Beginning October, I'll do my best to invest more time here at GoodReads. I used to manage an online blog on mostly Filipino novels at http://atisan.blogspot.com..."Walang anuman, Edgar. Kaya pala may Atisan sa "Walong Diwata" at may nabanggit din sa "Kasunod ng 909." Anong libro ang sinusulat mo ngayon, Egay?
Binabasa mo ang "Bartleby." Nabasa ko na yan at maganda. Sana wag kang mag-Bartleby lol.
Ha ha. Salamat din sa suporta, K.D. Beginning October, I'll do my best to invest more time here at GoodReads. I used to manage an online blog on mostly Filipino novels at http://atisan.blogspot.com pero nagkukulang nga sa panahon dahil sa pagtuturo at sariling pagsusulat kaya matagal nang natigil (although hindi naman siyempre natigil ang pagbabasa). Pero alam ko ang halaga ng online presence at pagpapakilala ng mga Filipino nating manunulat sa web. Kaya salamat sa mga tulad mo, at sa mga kababayan nating bumibili't nagbabasa ng akdang Filipino.
