Goodreads helps you follow your favorite authors. Be the first to learn about new releases!
Start by following Jerry B. Gracio.
Showing 1-19 of 19
“Ang pag-iingat sa sarili ay bahagi ng pagiging tapat sa isa’t isa, lagpas sa kamatayan ng minamahal. Hindi mo wawasakin ang sarili kapag nawala ang kapareha dahil alam mong minahal niya ang buo mong pagkatao, kasáma ang kaluluwa at katawan, ang atay at puso. Para sa mga sinaunang Filipino, ang atay ang luklukan ng kaluluwa—ang seat of the soul, hindi ang puso. Kayâ nga atay ang kinakain ng mga aswang dahil gusto nilang magkaroon ng kaluluwa. Kayâ nga nang-aagaw ang malalandi ng jowa ng may jowa dahil wala silang kaluluwa.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“[T]antanan na ang drama. Matagal nang gumaling ang sugat mo.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Kapag sinabi ng isang tao o isang relihiyon na nasa kanila lamang ang Diyos, inaangkin nila ang Diyos at ikinukulong siya sa isang set ng mga paniniwala. Isa itong malaking pagkakamali dahil hindi mo maaring i- contain ang isang Diyos na transcendent. Hindi sinasabi ng Panginoon na mahal kita dahil banal ka, o mahal kita dahil maganda ka o mahal kita dahil maputi ang kulay ng iyong balat o mayaman ka o lalaki ka. Sinasabi ng Panginoon, mahal kita. Iyon lang”
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
“Sa daigdig, sangkatutak ang jowa material. Pero iisa lang ang gagradweyt mula sa pagiging jowa túngo sa pagiging karelasyon habambuhay.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Alam mong mahal ka ng isang tao kapag nag-alaga siya ng pusa kahit ang gusto niya ay áso.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Hinuhubog ang kabutihan ng habambuhay nating engkuwentro at pakikibaka sa kasamaan—kung ano ang tama, kung ano ang dapat.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Sa alinlangan nagmumula ang mga bagong karunungan, iniluluwal nito ang mga bagong pagpapakahulugan sa daigdig at sa sarili.”
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
“Kung ano ang sinabi ng politiko, pari, mayaman, pastor, o kahit na ng teacher, tinatanggap na lang natin. Kayâ nagkakaroon tayo ng kaalaman pero hindi ng karunungan. Marami tayong nakukuhang impormasyon, pero hindi tayo natututo.”
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
“Español ang “harina” at “trigo” pero katutubo ang salitang “tinapay” na mula sa “tapay” na ang ibig sabihin ay masa (dough), masahin (to knead). Naging katutubo ang Español na harina nang lutuin ito sa hurnong Pinoy at maging tinapay.”
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
― Informal: Mga Pilíng Personal na Sanaysay
“Paano ba nagiging bagay ang dalawang tao?
Tao ang tao, may búhay. Ironic na kapag nakatagpo ka ng isa pang tao na mamahalin mo habambuhay, hindi ka na nagiging tao, kundi nagiging bagay. . . . Tao táyong pareho pero dahil nagmamahal, nagiging bagay táyo.”

“Aanhin ko ang magandang bahay kung hindi kitá kasáma?”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Sinaunang salita ang luwalhati at dalamhati—na nangangahulugan ng matinding ligaya at lumbay. Ang ugat nito ay ang Sanskrit na “hati” na ang ibig sabihin ay atay. Kapag umiibig, para kang nagluluwal—naglalabas, hindi lang ng puso, kundi
ng atay. Pero hindi lang pagluluwal ang dala ng pagmamahal, hindi lang luwalhati. Káya rin nitong magdulot ng dalamhati—ng hapis, ng matinding lumbay. Sa dalamhati, itinatago mo (mula sa Sanskrit na dalam) ang iyong atay, inilalagay sa loob. Hindi mo winawasak ang atay mo sa pamamagitan ng pag-inom at walang habas na pagwalwal sa gitna ng matinding lungkot. Sa halip, ipinapasok mo ito sa loob upang ingatan. Sa loob at hindi lang sa labas; dahil nasanay din táyo na puro palabas ang pagmamahal—sinusukat natin sa dami ng text at tawag, sa dami ng tags, sa dami ng tweet at f _ _ k.”

“Hindi totoo iyong kailangan mong mamili sa “mahal ko o mahal ako.” Hindi umiibig ang mga tao na may mga tanong pang ganito, kundi nalilito. Walang umiibig na nalilito. Sa simula siguro, pero katagalan, lahat ng pag-ibig ay nagiging sigurado dahil ang lahat ng umiibig ay naninigurado.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Ayokong umibig nang pakonti-konti, magmahal nang nagtitipid dahil hindi naman dapat tinatawaran ang pag-ibig.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Pero mahirap namang ipilit ang sarili sa táong ayaw na sa iyo. O pilitin ang sarili na magustuhan ng tao na hindi ka na gusto o hindi mo na gusto.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Kapag nakaramdam ka ng bigat sa anumang relasyon, kailangan mong tingnan kung pinapasan pa ng katuwang mong balikat ang kabiláng dulo ng pingga o iniwan ka na niya dahil siya man ay nabibigatan. Hindi dapat mabigat ang pagmamahal. Nagdadalá ang pag-ibig ng gaan kayâ laging lumulutang ang ating mga pakiramdam.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Feeling ko, mas mabuti nang tapusin ang búhay kaysa patuloy na mabulid sa kasalanan.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“Dahil ang búhay ay habampanahong pagpasan ng samot-saring bigat, kailangan mo ng isa pang balikat. Gumagaan ang anumang bagay gaano man ito kabigat kapag sabay ninyo itong binabalikat”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo
“[M]insan iniisip ko, bakâ ako ang kontrabida sa pag-iibigan nila, nagmumukha lang akong bida ngayon dahil ako ang nagkukuwento.”
― Bagay Tayo
― Bagay Tayo