Goodreads helps you follow your favorite authors. Be the first to learn about new releases!
Start by following Jayson G. Benedicto.
Showing 1-10 of 10
“Siguro ganun talaga ang buhay. May mga bagay na kahit anong buhos mo ng effort o kahit gaano pa ang tindi ng kagustuhan mong makuha ay hindi mapapasaiyo kung hindi nakatakda sa isang invisible na script na kung tawagin ay tadhana.”
― Daily Dairy Diarrhea Diary
― Daily Dairy Diarrhea Diary
“Wag mapagod mahalin ang mga taong mahal ka. Malay mo, sa bandang huli, mas okey pala ang ending.”
― Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AkOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat
― Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AkOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat
“Kapag punuan ang jeep at nagkataon na sinungaling ang driver sa pagsasabing "Lima pa, maluwag na maluwag pa yan", merong bagong sakay na pasahero ang bigla nalang tutuwad sa harap mo, sa pag-aakalang uusog ka, upang siya'y makaupo. Napaka awkward ng feeling, habang pinagmamasdan mo siya sa ganun posisyon pero wala ka namang magawa dahil puno na nga ang upuan. Doon mo nalaman kung anong feeling ng isang arinola.”
― Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AkOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat
― Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AkOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat
“Mag-sorry kung ikaw ang may kasalanan. Kung hindi naman, ikaw ang unang mag-reach out. I-tae sa kubeta ang lecheng pride. Kung simpleng away lang naman, kabobohan ang patagalin o palalain pa ito.
Tandaan, walang perpektong relasyon. Pero ang "pagbabati" mula sa isang away, ang isa sa pinakamatamis na bahagi nito.”
―
Tandaan, walang perpektong relasyon. Pero ang "pagbabati" mula sa isang away, ang isa sa pinakamatamis na bahagi nito.”
―
“Wala nang mas sasarap pa, kaysa sa umuwi ng bahay, kung saan naghihintay ang isang mapagmahal na misis at mangkok ng tinola.”
― Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AkOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat
― Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AkOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat
“Pag mahal mo ang isang tao, palayain mo. Kapag bumalik siya, ibig sabihin wala siyang pamasahe.”
― Daily Dairy Diarrhea Diary
― Daily Dairy Diarrhea Diary
“Hindi ba't masarap isipin na ang dalagang kahati mo sa popcorn sa mga movie dates noong high school at ang babaeng nagpapahid ng pain killer sa nirarayuma mong tuhod, ay iisa?”
― To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter
― To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter
“Matagal na din akong naghintay dito sa bus stop sa pag-aakalang babalik sya, na muli siyang dadaan at sabay kaming aalis. Lumipas na ang ulan. Mataas na ang sikat ng araw. Pero mag-isa pa rin ako dito. Siguro naman, ito na ang tamang panahon para sumakay, umalis at lumayo. Paunti-unti. Hindi naman biglaan. Konting andar. Konting lakad. Konting kembot pakanan. Darating din ako doon.Kung saan maaliwalas na ang lahat.”
― Daily Dairy Diarrhea Diary
― Daily Dairy Diarrhea Diary
“Hindi lahat ng bagay na nakahain sa harap mo ay dapat mong kainin. Mas lalo na kung kasalukuyan ka nang ngumunguya sa nauna mong sinubong pagkain. Baka mabulunan ka.
Hindi rin sapat na dahilan ang "tao lang ako". Dahil yun mismo ang paliwanag kung bakit dapat kang umiwas. Tao ka. Hindi isang penguin na pwedeng makipag-mate kahit kanino, dahil pinagtabi kayo ng zoo keeper sa iisang pugad.”

“Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako.”
― To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter
― To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter