Akoposijayson Quotes

Quotes tagged as "akoposijayson" Showing 1-2 of 2
“Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako.”
Jayson G. Benedicto, To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter

“Matagal na din akong naghintay dito sa bus stop sa pag-aakalang babalik sya, na muli siyang dadaan at sabay kaming aalis. Lumipas na ang ulan. Mataas na ang sikat ng araw. Pero mag-isa pa rin ako dito. Siguro naman, ito na ang tamang panahon para sumakay, umalis at lumayo. Paunti-unti. Hindi naman biglaan. Konting andar. Konting lakad. Konting kembot pakanan. Darating din ako doon.Kung saan maaliwalas na ang lahat.”
Jayson G. Benedicto, Daily Dairy Diarrhea Diary