Kanina, habang nakasakay ako sa bus pauwi sa `min, nahagip ng mga mata ko ang dalawang mag-"jowa" sa katapat kong upuan. Hindi sila mapaghiwalay at kahit langgam eh mahihiyang istorbohin sila. Natutuwa naman ako dahil sobrang sweet nila. But my jaw suddenly dropped when I saw how the guy pulled the girl and kissed her!
Last month naman, habang naglalakad ako sa Plaza malapit sa university na pinapasukan ko, nakakita naman ako ng dalawang mag-"jowa" na naglalandian. Hindi naman ako dapat affected pero naiinis ako sa girl. Halos ipulupot niya na ang katawan niya sa guy.
Napapaisip tuloy ako minsan eh. Why do people need to be that OA? Hindi naman kailangan ang PDA sa love. Kung mahal niyo ang isa't isa, dapat matuto rin kayong rumespeto. Ang sabi nga sa isang quote: "Love is blind. But people around you are not."
  
    
    
        Published on August 14, 2014 02:12