2015 PHR Annual Brainstorming

Last April 24, the annual PHR Brainstorming was held at Hidden Valley Springs in Calauan, Laguna.  Nung malaman namin ng aking co-writer na si Jelaine na malapit lang dito sa 'min yung place, we were really beyond happy.  Kung nagkataon kasi na malayo sa 'min yung pag-gaganapan, kelangan pa naming pumunta muna sa office ng PHR.  Meaning kelangan naming gumising ng maaga para umabot sa call time.  Good thing hindi na namin siya prinoblema this time.  
Pagdating namin sa Alaminos, naghanap kami ng masasakyan at nagulantang talaga kami nang singilin kami nung napagtanungan naming manong ng 200php papuntang Hidden Valley.  Dahil hindi namin matanggap yung price, nagtanong-tanong pa kami sa iba.  May napagtanungan kaming ate na tinakot pa kami at sinabihan kami na 'wag kaming magpahalata na hindi namin alam kung saan yung pupuntahan namin dahil baka kung saan daw kami dalhin nung driver.  Eh di yun, may nahanap kaming tricycle driver na 150php lang ang sinisingil.  So gora na kami sa kanya since kahit paano makakamura kami ng 50php.  The road from there to Hidden Valley was really bumpy, literally.  Pagdating namin do'n sa place sobrang sakit ng puwetan ko dahil wala man lang kalambot-lambot yung upuan ng tricycle ni kuyang driver.  Anyways, Miss Rose Tan was already there when we reached the place.  Eh di yun, kwentuhan galore muna kami.  Almost 11 a.m. na yata before dumating yung bus at magsimula yung activities.
After the initial pakilanlanan, hinati kami into seven groups.  Napunta ako sa group 2 at nakasama ko sa group na yun sina Leonna, Gezille, at ang aming team leader na si ate Sofia.  Ayun, walang humpay na pagbe-brainstorm ang naganap.  And at the end of it, tatlong concept for collaboration series ang nabuo namin.  Finding Ethan, which was about an idol who suddenly disappeared and the three women who will look for him.  #Ampalaya, well about sa mga bitter.  And lastly, Perfect Brides, which was about naman sa isang school na nag-te-train sa mga babae para maging perfect na asawa.  Our deadline for all of these is in June.  Hindi ko sure kung matatapos ko ba silang lahat, pero sana talaga.  Then nand'yan pa yung dagdag pressure na dapat pang-Reader's Choice level yung gagawin mo para i-release nila sa MIBF.  Pero kaya ko 'to.  Dapat kayanin.
Mas light yung naging brainstorming ngayon compared to last year na inabot talaga kami ng hanggang alas-dose ng madaling-araw sa pagpre-present lang ng mga plots.  And this year, nakapag-swimming kami.  Yey!  Hindi siya naging drawing lang compared to the last two brainstorming na na-attend-an ko.  Sobrang sarap magbabad sa warm pool.  Nakapag-videoke pa kami nung gabi at nakainom ng red wine.  Hindi ko na ikukwento ang experience ko sa red wine na 'yan, just know that I'm a happy drunk.  LOL.  The place was great.  Maganda yung cottage, masarap maglangoy dun sa pool, mababait ang mga staffs.  But I must say, mas masarap pa rin talaga yung food sa Anvaya.  Although masarap din naman yung food nila.  
On the second day, habang naghihintay sa pagdating ng bus, nagkayayaan kami nina Jelaine, Luna, Gezille, at Honey na maglibut-libot.  At sa paglilibot na 'yon, sa wakas ay natagpuan din namin ang soda pool at lover's pool.  Although nakakalungkot lang na hindi na kami nakalangoy dahil pare-pareho na kaming walang panligo.  And of course na natagpuan din namin ang hidden falls na sa sobrang pagka-hidden ay ilang kawayan yata ang tinawid namin para lang makarating do'n.  
Over all, this year's brainstorming was uber fun.  Sobrang nag-enjoy ako at ang aking mga co-writers.  Sana lang talaga tamaan ako ng sipag at magawa ko ang lahat ng story na dapat kong gawin.  *fingers-crossed*

Class picture! :)
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on April 29, 2015 22:37
No comments have been added yet.