2022 letter

hi zal 

kumusta ka na

kita ko may two small kids ka na rin, and a very, very pretty wife!

you must be very happy and satisfied with your life.

i am happy for you. totoo iyan. wala akong ibang hinihiling kapag nakikita kita sa soc med kundi ang makita kang masaya kasama ang iyong pamilya. 

ako, happy rin naman. may family rin na kamukha ng sa iyo. di lang siguro kasing yaman ng wife mo ang husband ko, pero di naman kami naghihirap hahaha, marami rin kaming adventures. mahilig pa rin akong mamasyal gusto ko pa rin ng bagong experience

not much has changed in me, in my core. you can say that

kaya siguro napapasulat pa rin ako sa yo until now 

kahit it has been what almost 20 years? hahaha! my goodness ang tanda na natin!

id love to see you in person.

pero tamad na ako hahaha, di na ako iyong tipong mag eeffort  for the sake of love. or crush  or strong feelings for someone. done with that. kaya ok na akong nakikita ka sa soc med. keri na yon. ganon din naman, makita kita in person wala rin naman akong sasabihin sayo at ikaw sa akin. hologram lang ang peg hahaha

alam mo may mga gabi na naiisip ko kung naaalala mo ako. or kung gusto mo rin akong makita, ngayong matatanda na tayo. 

feeling ko kasi, naibaon mo na ako sa limot. feeling ko, ako yung tao sa buhay mo na dadaanan mo lang. parang waiting shed sa isang mahabang highway, ganon. forgettable. 

funny ano kasi kabaliktaran ng nangyari sa akin. ikaw na inakala kong dadaanan ko lang in my early 20s days, while enjoying the peak of my life, e eto pala, naknamputcha, nagpark sa utak ko at biglang overstaying na kotse na, hahaha! kalokang buhay to. plot twist from the wonderland!

nasabi ko na ito noon sa mga nauna kong sulat sayo. sana naaalala mo ako. sana may mga gabi rin na naiisip mo ako. parang reminiscing about better days ganon. sana i would have the chance to tell you or to inform you in this lifetime that i am doing well. na hindi ako napariwara. na matatag ang core ko. na matino akong tao, babae, asawa, ina. 

gusto kong sabihin sa iyo na kahit hindi tayo nagkatuluyan or kahit hindi tayo naging tayo, at all, may umusbong sa aking pag ibig. noon. pag ibig sa konseptong "tayong dalawa"

at gusto kong sabihin sa iyo na hanggang ngayon narito sa puso ko ang pag ibig na iyan. bahagi na ng aking core.

bahagi na ng pagkatao ko.

ang ako na minsang umibig sa "ating dalawa" ang isa sa mga dahilan kung bakit matino akong tao, babae, asawa, ina.

ang haba haba. gusto ko lang talagang mangumusta. at magpasalamat.

ako pa rin,

maya


  

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on December 07, 2022 04:20
No comments have been added yet.


Bebang Siy's Blog

Bebang Siy
Bebang Siy isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Bebang Siy's blog with rss.