Dahil sobrang kinilig ako sa review ni Reviewer Blue ng
Reviewer's Haven (
https://www.facebook.com/bookreviewershaven?ref=ts&fref=ts) sa book ko na
The Wrong Proposal
, bigla kong naisipan na i-drawing sina Miel at Raf, my favorite couple and the lead characters of the said book. Kapag nakaluwag ako sa oras ay susubukan ko na gawan ng manga version--just for fun--ang
The Wrong Proposal
. So kailangan kong magbasa ng maraming mangas ngayon para pag-aralan ang technicalities. Wew, goodluck to me. Sa totoo lang hindi ko pa nasusubukang magbasa ng manga.
Sobrang thankful ako sa review na 'yun, nawala 'yung bigat ng dibdib na ilang linggo ko nang dala-dala. Nakatulong din 'yung comments ng readers sa status ko na "getting out of my comfort zone" churva, na mas gusto raw nila ang comedy, na magmamature din daw ang writing style ko sa tamang panahon.I don't wanna push myself. I took that as a sign na i-postpone muna ang paglabas ko sa "cocoon" ko. Sabi nga nila, kapag "hinog sa pilit ay mapait". So true. Look what's happening to me this past few weeks, nagiging kasing pait na ako ng apdo. LOL.
Published on June 18, 2013 01:03