Teaser of Bad Boy Syndrome


Marami ang naghahangad na makapasok sa mundo ng showbiz. At karamihan ng kabataan ngayon ay gagawin ang lahat maranasan lang ang karangyaan at kasikatang karaniwang tinatamasa ng mga artista.
Samantalang marami naman ang nanghinayang nang tuluyang iwan ng multi-awarded actress na si Iona ang mundo ng pag-aartista kapalit ang simpleng pamumuhay.
Kasabay ng pagtalikod niya sa mundo ng showbiz, tinalikuran naman si Iona ng nobyo niyang si Gian Neneria nang magpasya ang huli na pumasok sa semenaryo.
Dala ng sobrang sama ng loob, isinumpa ni Iona na hinding-hindi na siya muling iibig pa sa kahit na sinong lalaking nagtataglay ng pangalang "Gian".
Iona was practically bored with her life. After quitting showbiz, marami siyang binago sa buhay niya—including her lifestyle, insights in life and even her preference when it comes to men. Dahil sawa na siya sa mga lalaking may goody-goody image, gumawa siya ng bagong listahan ng standards na hinahanap niya sa isang lalaki.
At sa kumbensiyonal niyang buhay, nakatagpo siya ng isang lalaking pasok sa listahang tinawag niyang "Bad Boy Syndrome". 
Nag i-smoke ✓Malakas uminom ✓Mabilis magpalit ng girlfriend ✓Engages in casual sex ✓Laging laman ng mga bar ✓Walang trabaho ✓Lagalag ✓Siga sa school ✓Bagsak ang mga grades ✓War freak ✓
The guy perfectly fits with her list. He was everything that she was looking for. Except that his name is Gian—Gian Ana.

 Read the first few chapters here: http://www.wattpad.com/story/11031863-bad-boy-syndrome
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on January 16, 2014 08:53
No comments have been added yet.