Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
Private pa ang setting natin. Marami na rin akong na-invite. Inu-una ko ang mga alam kong Pinoy writers o yong napapasin kong nagbabasa at nagre-review ng mga Pinoy books.
Pero kung may interesadong mag-join, titingnan ko rin muna ang profile, dapat nagbabasa talaga ng Pinoy books. Otherwise, kasi mai-infiltrate lang tayo ng mga hindi naman talaga mahilig sa local books at di makaka-contribute sa pagsulong ng Literaturang Pilipino. Hangga't maaari, ayoko rin ng maraming lurkers.
Game na.

Lubhang magandang ideya ito. Salamat sa paanyaya, K.D. Marami akong gustong basahing lokal na libro at tyak na maraming makukuhang suggestions dito.Pangalan: Ryan. Tinatawag ding Rise.
Paboritong manunulat: José Rizal, Carlos Bulosan, N. V. M. Gonzalez, Nick Joaquín, Lualhati Bautista
Paboritong libro: Noli at Fili, America Is in the Heart, Dekada '70, The Woman Who Had Two Navels, A Season of Grace
Sumali ako dito dahil bukod sa maraming magagandang librong Pinoy na naghihintay lang na madiskubre ay mukhang magiging masaya dito.
Salamat, Ryan. Gagawin natin ang lahat para maging masaya tayo. Napansin ko nagbabasa ka rin noong history book,The Devil's Causeway: The True Story of America's First Prisoners of War in the Philippines, and the Heroic Expedition Sent to Their Rescue. Puwede rin nating i-discuss yan dito dahil sabi ng author Pinoy rin daw sya.
K.D. wrote: "Salamat, Ryan. Gagawin natin ang lahat para maging masaya tayo. Napansin ko nagbabasa ka rin noong history book,The Devil's Causeway: The True Story of America's First Prisoners of War in the Phili..."Okay yang discussion na yan kung mangyayari. Kauumpisa ko pa lang sa libro dahil kadarating lang.
Ako nga pala si Ayban Gabriyel, Late na ako nagkaroon ng interes sa mga libro, nangyari ito nung ako ay nasa kolehiyo at kumuha ng subject na Philippine Literature. Dito ko natuklasan ang ating mahuhusay na manunulat at kanilang mga maikling kwento at nobela at dun nagsimula ang aking pagbabasa.
Paboritong manunulat - Jose Rizal, F. Sionil Jose, Lualhati Bautista, Amado V. Hernandez, Nick Joaquin, Norman Wilwayco, Jose F Lacaba, Jun Cruz Reyes, Severino Reyes
Paboritong Libro- Sin;F. Sionil Jose,
Mga Ibong Mandaragit; Amado Hernandez,
Dekada'70, Lualhati Bautista,
Ermita; F. Sionil Jose,
Mass;F. Sionil Jose,
Dugo sa Bukang Liwayway;Rogelio Sikat,
Kung Baga sa Bigas; Jose F. Lacaba
Paboritong Maikling Kwento-
My Father Goes to Court;Carlos Bulosan,
God Stealer; F. Sionil Jose,
Langaw sa Isang Basong Gatas; Amado V. Hernandez,
Asin Live; Norman Wilwayco,
A Footnote to Youth;Jose Garcia Villa,
Dead Stars; Paz,
The Chieftest Mourner; Aida River Ford,
Progress; F. Sionil Jose
Wohhooo!
A, sige Ryan. I-continue ko na ang librong yan. Inaantok kasi ako. Taliwas siya sa nakasanayan natin ng ang mga Kastilang prayle ay masasama at ang mga Pinoy ang inaapi. Sa librong yan, ang mga Pinoy ang nambiktima (nang-hostage) sa mga Kastilang Prayle.
Ayban, maligayang pagsali sa grupo. Isang karangalan ang makasama ka namin dito.
Ayban, maligayang pagsali sa grupo. Isang karangalan ang makasama ka namin dito.
Pangalan: ArielPaboritong manunulat na lokal at libro (komiks):
Budjette Tan
Paolo Fabregas
Mervin Ignacio at Ian Sta. Maria
Francis Manapul
Leinil Francis Yu (hindi writer pero Pinoy Illustrator)
Sorry, puro komiks ang nilagay ko kasi yan talaga yung mga nabasa (babasahin) ko. Nakabasa din naman ako ng ibang filipino authors tulad nina Lualhati Bautista at F. Sionil José nung ako ay nag-aaral pa. Siguro hindi ako nakakapagbasa ngayon ng filipino books dahil sa kakulangan ng libro/fiction published books sa Pinas. Kaya mag-aagree ako kay kuya na kailangan suportahan natin sila. :)
Ako si Ella. Isang mambabasang nag-uubos ng luha kapag nadadama ang simpatya sa nababasang akda.Ang unang akdang pilipino na nagpalabas ng luha ay Dekada 70 ni Luwalhati Bautista. Binigyan niya ako ng ibang kwento ng isang ina na naiipit sa magkaibang paniniwala - lalo na noong ikaw ay nabubuhay noong Martial Law.
Para sa akin, nakaka-inlab ang akdang Florante at Laura. Kahit hindi ko masyadong maintindihan ang mensahe ng awit... nag-iwan ito ng kurot sa akin puso.
Ako ay anak ng EDSA. Batay sa kwento ng ama ako ay ginawa isang araw matapos mapalaya ang bansa sa diktaturya ng Martial Law. Kaya kung may makita kayong libro na ang pamagat ay Salingkit ni (nalimutan ko ang may akda,pasensya na).. magandang birthday gift po para sa akin yun. Hihih
Ikinigagalak ko kayong makilala. :)
Ariel, salamat sa pagsali sa PRPB-GR! Ayos lang. Ang komiks ay bahagi pa Literaturang Pinoy. Lumaki rin ako sa pagbabasa ng komiks kaya kahit hanggang ngayon, nagbabasa pa rin ako. Actually, mayroon ako niyang "Skyworld 1 & 2" birthday gift sa akin ng aking kaibigan.
Ella, ikinagagalak ka rin naming makilala. Welcome to our group! Sana makakita tayo ng "Salingkit ni..." na yan. Parang wala pang nagpa-iyak sa akin na librong Pinoy. Pero nagagalit ako habang nagbabasa ng "Gapo" at ng "Deseparacidos." Florante at Laura? Parang nakalimutan ko na. Siguro, time to do a reread na. Anak ka ng EDSA? Ako, nasa-EDSA na. Fresh grad ako noon. Tuwang-tuwa pa ako kasi nakakalakad ako sa EDSA. Walang sasakyan. Puro tao.

Kamusta po? Ako si Louize.Wala akong masabing paboritong manunulat sa ngayon. Simula pa noong bata ako Ibong Adarna na ang paborito kong kwento, isang korido na isinulat ni Francisco Balagtas. Hindi dahil sa Mitolohiya, kundi dahil sa simbolismong ipinahahayag nito.
Mahilig din ako sa komiks noon. S'yempre Asyong Aksaya ni Larry Alcala ang una sa listahan ko; Pokwang ni Vicente Kua Jr.; at ang Panday ni Carlo J. Caparas.
May mga nabasa na rin akong mga librong akdang Pinoy, pero gusto ko silang balik-aralin kasi nga medyo mapurol na ang Tagalog ko. Nakakalungkot di ba? Ang mga kasalukuyan naman ay salin sa Ingles. 'Yun ang dahilan kung bakit sumali ako, makakuha ng interesanteng libro na akma sa panlasa ko; at mahasang muli ang Tagalog ko. Nitong nakaraang MIBF, sa Anvil at UP Press ako nagbibibili ng libro; sa paghahangad na matupad kong makabasa ng kahit 10 librong Pinoy sa loob ng isang taon.
Salamat sa pag-imbita KD!
Hello, Louize. Salamat sa pagpapaunlak sa aking paanyaya.
Di ko na matandaan ang Ibong Adarna. Dapat na sigurong magre-read. Asyong Aksaya? Natatandaan ko pa ang komiks strip pero mas natatandaan ko si Erap Estrada na naka-pompadour. Panday? Si Fernando Poe na.
Totoong kahit Tagalog ang salita natin madalas. Mahirap nang magbasa o sumulat. Pero kung araw-araw kang mapa-practice, lalabas din yan. Maraming nangangarap na makapagsulat sa ingles at maka-penetrate sa international market. Pero let's face it, mas mabuting magsimula muna dito sa atin. I think mas maraming opportunity dito na di napupunan ng mga kasalukuyang available na local books. Sabi nga ni Ariel, kulang na kulang tayo sa librong akda na mga Pinoy na nanunulat. Pero paano naman mae-enganyo ang mga local publishing companies kung kulang ang bumibili?

Narito si SALINGKIT. Ito ang tawag sa mga sabatera sa mga hasler sa laro ng lahi, mga sumasawsaw, mga saling pusa. Mga taong mahihina kaya bawal maging taya. Mga nangingialam.May puso rin na gustong lumaban. :P
Maria Ella wrote: "Narito si SALINGKIT. Ito ang tawag sa mga sabatera sa mga hasler sa laro ng lahi, mga sumasawsaw, mga saling pusa. Mga taong mahihina kaya bawal maging taya. Mga nangingialam.May puso rin na gust..."
Bago ko ipakilala ang sarili, gusto kong pasalamatan si Maria Ella sa pagbanggit sa SALINGKIT. Nalaman ko tuloy na ang kaibigan ko noong nasa Ateneo ay may bagong akda! Sayang at hindi naman ako makakakuha ng kopya dahil nasa Cape Town ako. Pero kung nais ninyong mapirmahan ng may-akda na si Cyan Abad-Jugo ang inyong kopya, puwede ko sigurong makontak siya para sa inyo.
KD, maraming salamat sa pag-imbita sa akin. Laking tuwa ko, pero laking lungkot din kasi hindi naman madali para sa aking makabili ng mga aklat ng mga manunulat na Pilipino sa kasalukuyan kong kinalalagyan.
Ay, paumanhin. Pagpapakilala nga pala.
Jim Pascual Agustin, sumusubok na magsulat sa Filipino sa kabila ng paninirahan sa Cape Town, South Africa.
Mga paboritong manunulat na Pilipino (takbo sa maliit na koleksyon ng mga aklat na naisingit sa mga bagahe bago umalis ng Pilipinas... dinadagdagan unti-unti tuwing dumadalaw) - Bienvenido Lumbera (poetry, criticism), Jose F. Lacaba (early poetry), Simeon Dumdum, Emmanuel Lacaba, Marjorie Evasco, Benilda Santos, Ricardo De Ungria, Eric Gamalinda, Danton Remoto, Gemino Abad (tatay ni Cyan!), Francisco Arcellana... (sobrang dami, sori)
Paboritong aklat... naku... Mangyan Treasures edited by Antoon Postma (Dutch!)... iyan lang yata ang aklat na nalathala sa Pilipinas na binabalik-balikan ko at babayaran ng kahit ano para lang magkaroon ng kopya.
Mangyan Treasures
Bakit sumali - inimbitahan. :) At nakikitang mahalaga nga ang grupong tulad nito, subalit malaki ang balakid para sa aking makasali nang husto dahil sa aking kinalalagyang panig ng daigdig. Siguro pagkaraan pag-isipan din ng grupo ang pagbabasa ng mga akdang sinulat ng wala ni patak ng dugong Pilipino ngunit may pananaw na mahalaga ukol sa ating panitikan at kultura?
Salamat uli. Hindi ako makakapangakong laging makakasali sa mga pag-uusap at pagtalakay. Hahanapan ko ng panahon. Gudlaks sa grupo.
Jim, salamat sa pagsali sa ating grupo. Mabuhay ka at mabuhay ang ating sariling panitikan.
Ay, di ko kilala ang karamihan sa paborito mo. Marami pa talaga akong dapat kilalanin. Nakakahiya. Ngunit sabi nga nila, huli man daw at magaling, maihahabol din (ang bago). Sa dinami-dami na ng alam mong mga akdang sinulat ng mga mahuhusay na manunulat na Pinoy, kahit nariyan ka sa ibang panig ng mundo, makakasali ka pa rin sa aming mga talakayan. Kami ang may malaking dapat habulin sa nalalaman mo na.
Interesado ako dyan sa paboritong mong "Mangyan Treasures." Masilip ng kung mayroon sa Amazon.com.
Maganda rin yang mungkahi mo tungkol sa "sinulat ng may-akdang ni isang patak ng dugong Pilipino ay wala" ngunit may mahalagang pananaw tungkol sa ating panitikan at kultura. Halimbawa ay sino? Baka puwedeng isama sa definisyon ng "Librong Pinoy" sa panghuling bilang.
Salamat, Jim.

Jim Pascual Agustin wrote: "Paboritong aklat... naku... Mangyan Treasures edited by Antoon Postma (Dutch!)... iyan lang yata ang aklat na nalathala sa Pilipinas na binabalik-balikan ko at babayaran ng kahit ano para lang magkaroon ng kopya."Interesado din ako sa aklat na Mangyan Treasures dahil ako ay taga-Mindoro. Saan kaya makakakuha ng kopya nito? Mukhang out of print na.
Maligayang pagbati po sa Pinoy Books. Ako po si Charles, nagtratrabaho sa Flipside Publishing, isang tagapaglathala ng mga akda.Mahilig po ako sa mga maikling kuwento, katulad ng mga nasasali sa Philippine Speculative Fiction, sa Philippine Genre Stories, at sa Philippines Free Press. Pero isa sa mga paboritong kong nobela ay ang Salamanca ni Dean Francis Alfar.
Na-imbitihan din po ako ni Ginoong K.D. sa grupo.
Ryan, nag-Amazon ako kanina. Walang available. Baka nga out of print na.
Charles, salamat sa pagpapaunlak. Ikinagagalak naming nakasama ka sa grupong ito. Malapit ko nang basahin ang isang collection ng Speculative Fiction na kasama ang kuwento mo. Mabuhay ka!
Charles, salamat sa pagpapaunlak. Ikinagagalak naming nakasama ka sa grupong ito. Malapit ko nang basahin ang isang collection ng Speculative Fiction na kasama ang kuwento mo. Mabuhay ka!
Hello! Ako po si Bebang Siy. Marami akong trabaho noon at ngayon pero mas gusto kong ipinakikilala ko ang sarili bilang isang manunulat. Paboritong manunulat na lokal:
Karamihan sa mga binanggit na dito PLUS
Luna Sicat Cleto
Ricky Lee
Rio Alma
Rene Villanueva
Eliza Victoria
Bob Ong
Margie Holmes
Adam David
Bo Sanchez
Paboritong librong lokal:
Ang dami!
Personal ni Rene Villanueva
Makinilyang Altar ni Luna Sicat Cleto
Satanas sa Lupa ni Celso Al Carunungan (must read as in!)
Ang Baliw ni Lualhati Bautista
Bakit sumama sa group:
Inimbitahan ako ni K.D. at naniniwala rin ako na magandang may book club na naka-dedicate sa mga akdang Filipino.
Naniniwala rin ako na magiging fun ang group na ito. Yeba!
paboritong manunulat: di ko pa naisulat lahat
paboritong aklat:
di ko pa rin naisulat lahat! hahahaha medyo matagal kung ililista ko kasi marami-rami hahaha
Tawagan ninyo ang Solidaridad Bookshop. Doon ako nakakuha ng kopya. Don't just buy, baka hindi ninyo magustuhan agad.
Bebang, di mo lang alam kung paano kita hinanting ngayong araw na ito. At di mo lang alam kung gaano mo kami pinaligaya. Dumating ka pa lang, lumigaya na ang mundo namin.
Di ko pa nasubukan si Rio Alma (makata) at si Margie Holmes (kahit na nakakabasa na ako ng mga artikulo niya sa diyaryo noon pa). Masubukan nga.
At "May Baliw" pala si Lualhati Bautista. Akala ko, malapit na akong maging completist nya.
Sinubukan kong i-search yong ibang mga libro, wala pa sa library ng Goodreads.
Sige, lista ka lang ng lista. Parang rekomendasyon mo na rin sa amin.
Sa tulong mo, alam kong magiging masaya ang grupong ito. Lang nosebleed. :)
Jim, papasyal nga ako sa La Solidaridad. Salamat ulit.

Salamat Ginoong K.D. Banggitin ko rin sana yung isang aklat kung saan si Bb. Bebang ay isa sa mga patnugot. Patungong Panumtom na sinulat ng mga kabataan sa Zambales. https://www.flipreads.com/book/patung...
Susubukan ko rin i-upload yung recording ng mahusay na presentasyon ni Bb. Bebang nung Visprint WIT.
Charles, pumunta na ako at nag-register sa Flipreads. Paano na yan kung gusto kong bumili? May PDF pala ito so kahit wala pa akong Kindle puwede kong basahin dito sa office pag breaktime. Salamat sa pagbabahagi nito.
Ginoong K.D.,Puwedeng basin ito sa PC pero kailangan ng Adobe Acrobat Reader (dahil PDF) kasi may DRM. Basta may Adobe Digital ID (http://www.flipreads.com/faq#faq7) ka.
Kung pambayad naman, maraming paraan: http://www.flipreads.com/faq#faq14 puwedeng PayPal, GCash, Smart Money, or kaya sa Seven-11.
Kung may problema, puwede po kayong mag-email sa info@flipreads.com para humingi ng tulong. Salamat.
Salamat, Charles. Sige, magple-place ako ng order bukas para dyan sa "Patungong Panumtom" ni Bebang. Sa 7/11 ako magbabayad. May katabi lang kami dito sa opisina. Mukhang madali lang naman. Salamat sa pagsi-share.
Ako si Dhess.Batang Bob Ong, Kiko Machine at Pugad Baboy.
Hanga rin ako kay Jessica Zafra.
Taos-puso ang pagtaas ng kamay kay Ambeth Ocampo.
Boom! :p
Pangalan: Karl Marx S.T.Paboritong manunulat na lokal: Lualhati Bautista, Ricky Lee, Edgardo M. Reyes.
Paboritong librong lokal: Sa mga Kuko ng Liwanag
Upang mapalawig ang kaalaman sa literaturang pinoy, usapan tungkol dito at palitan ng opinyon.
:)
Pwede mag-promote sir K.D? ^_^
Noon pa man ay gusto ko na talagang maging isang manunulat. Gusto ko yung temang Slice-of-Life, Drama at Comedy. Pero 'di ko inaasahan na Romance genre ang unang novel ko na mapa-published. Since hopeless romantic naman talaga ako. Sa mga magbabasa, sana ay magustuhan nyo ito. Though may mga typo. Suportahan natin ang mga manunulat na Pinoy! ^-^
http://www.goodreads.com/book/show/16...
Pangalan: POPaboritong manunulat:
Dr. Jose Rizal
Jim Pascual Agustin
Bebang Siy
Mina Esguerra
Samantha Sotto
Francis Kong
Ru dela Torre
Candy Gourlay
Edgar Samar
F.H. Batacan
Abueg,Mirasol,Ordonez,Reyes,Sikat
Paboritong Libro Lokal:
Bakit Sumama sa Grupo:
"It's more fun in the Philippines sa Pinoy Reads Pinoy Books"...
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda"...
Magka-isa! Mabuhay! ang mga Pilipino.
Dhess, Karl at Po: Salamat sa pagpapakilala sa inyong mga sarili.
Dhess, binalak ko rin noong i-kumpleto ang pagbabasa ng Pugad Baboy series. Kaso naudlot. Nawili ako sa KikoMachine. Maituloy nga. Nakabasa rin ako ng "Beerkada" pero di ko masyadong nagustuhan.
Gusto ko rin si Jessica Zafra. Hahanap lang ako ng medyo bagu-bago. Ang sabi nya sa interview na ang pinakagusto nyang sinulat nya ay yong "Mananaggal." Yon siguro ang isusunod ko. Yay! Ambeth Ocampo. 2 pa lang nabasa ko at parehong tungkol kay Rizal. Siguro try ko yong sa ibang bayani naman.
Karl, puwedeng puwedeng mag-promote dito. Ini-encourage nga natin na mag-join ang mga writers dito para mamalayan natin ang kanilang mga sinulat. May mga bookstores kasi na mahirap yatang pasukin kagaya ng NBS. Alam ko, kasi nakausap ko na si Norman Wilwayco. Kung gusto mong i-detalye ang tungkol sa libro mo, puwedeng puwede ka ring mag-open ng thread doon sa "Kahit Ano: Mga Naglalako." Sorry, ha. Wala akong maisip na mas magandang pangalan ng folder.
Po: Francis Kong, may time na nawili ang anak ko dyan. Kaya daming kaming libro. May officemate din ako na nagbabasa nyan sa tren sa Hong Kong noon. In fairness, marami sa paborito mo ay paborito ko rin. Hindi ko pa lang na try si Ru dela Torre.
Salamat sa pagsuporta sa ating sariling panitikan! Mabuhay kayo!

K.D., pandagdag dun sa depinisyon ng librong maaari nating pag-usapan siguro - parang yung sinasabi ni Jim - ay yung mga akda ng mga (i) banyaga at (ii) mga manunulat sa ibang bansa na may dugong Pinoy (Overseas Filipino writers) na unang pinablish sa labas ng bansa sa wikang hindi Filipino pero tumatalakay sa mga isyung Pinoy. Karamihan sa mga libro nila ni-release din later ng lokal na publisher. Ang naisip ko sa mga banyaga ay yung mga manunulat o dalubhasa katulad nila James Hamilton Paterson (Ghosts of Manila; ), Lucia Orth (Baby Jesus Pawn Shop) Benedict Anderson (Under Three Flags), etc. Yung Leche ni Linmark ay published din ng indie press abroad.
Ryan, ngayon malinaw na sa akin. Salamat. Sangayon ako dyan. Isasama ko yan sa definition ng "Pinoy Books" later.
Maraming salamat po sa imbitasyon! Ako po si Edgar Calabia Samar, o Egay sa ilang kaibigan. Ang totoo po, hindi ako gaanong aktibo rito sa Goodreads, pero gumawa ng account dati nang makita ko online ang link sa ilang reviews sa nobela ko. Maraming salamat po sa pagbabasa at sa pagsuporta sa mga manunulat na Filipino!
Maligayang pagsali, Edgar. Marami kang fans dito. Kaya sana lagi kang dumalaw. Binabasa ko ngayon ang bagong libro mo na Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela. Nakakalahati na ako at nagugustuhan ko ito.
Salamat sa imbitasyon! Mapapansin sa bookshelves ko na bihira akong magbasa ng librong pinoy. Liban sa mga binasa noong akoy's studyante (a long, long time ago), ang pinakahuling binasa ko ay sinulat ni Samantha Sotto at Budjette Tan.I'm aiming to rectify the fact na wala akong masasabing paboritong pinoy writer/ pinoy book. Bukas ako sa rekomendasyon!
Isa
Salamat nagkaroon na rin ng ganitong grupo, mga mambabasang may paghanga sa librong Pilipino.Pangalan: Jhive
Paboritong manunulat na lokal:
Edgardo M. Reyes ;
Normal Wilwayco;
Bob Ong;
Eros Atalia;
Manix Abrera;
Paboritong librong lokal:
Mondomanila ni Norman Wilwayco
Stainless Longganisa ni Bob Ong
Bakit sumama sa group: Dati pa ko naghahanap ng ganitong grupo. Mga myembrong may malasakit sa literaturang Pilipino. Masaya ako at meron na akong mga kasama sa pagtuklas ng tinatagong kagandahan ng mga librong Pinoy.
Salamat K.D sa pag imbita :)
Mabuhay Pinoy.
Isa, maligayang pagsali sa ating grupo. Samantha Sotto? Sa pagkakaalam ko, noong nakaraang taon pa lang sya naglabas ng unang libro nya na Before Ever After? O baka ibang author yan? Si Budjette di ko pa alam kung kailan siya naunang nagsulat.
Recommendations? For romantic comedy, try mo si Mina V. Esguerra. Kung gusto mo namang tumawa, si Bebang Siy na sa It's A Mens World. Maraming naaliw dito!
Jhive, salamat sa pag-appreciate mo pagkakatatag ng grupo na ito. Medyo challenging ito. Napansin ko dito sa GR, walang Filipino group na seryosong nagbabasa ng mga akda ng lokal na authors. At noong huling ginawa namin sa kabilang group (pinanggalingan ko), maraming nagre-reklamo sa pagbabasa na Tagalog. Para raw kasing nagbalik sila sa paaralan at di na sila sanay. Sayang naman ang mga manunulat na ito ang ginagamit na wika. Di na sila mababasa kapag walang bibili ng mga sinulat nila. Sabi nga ni Louize, nakakalungkot. Marami pa naman sa mga akdang ito ay maikukumpara, kung hindi man ay mas maganda pa, sa mga nobela ng mga dayuhang manunulat. Underappreciated talaga ang local books.
Mabuhay ka rin, Jhive.

Maraming salamat, Ginoon K.D. sa pag-imbita.Ako po si Zeke. Kate-twenteen One lang po nung isang araw. Bagamat karamihan ng aking nababasang libro (kasalukuyan nga e) ay banyaga, hindi pa rin ako nagpapalampas na magbasa ng mga aklat na gawa ng sarili nating mga kababayan. May kakaibang kiliti at kalabog sa dibdib ang handog ng mga librong gawa sa sarili nating bayan.
Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Ibong Adarna, Lumayo Ka Nga Sa Akin.
Paboritong Manunulat na Lokal: Jose Rizal, Francisco Balagtas, Eros Atalia, at Manix Abrera.
Ay, Zeke! Mabuti't sumali ka sa grupong ito. Kung may pagbabago, nararapat manggaling sa mga kabataang kagaya mo. Mabuti't hindi mo pa nakakalimutang magbasa ng mga lokal na akda.
Sumaya ako noong sabihin mong paborito mo ang Lumayo Ka Nga Sa Akin. Paborito ko rin yan sa mga aklat ni Bob Ong.
Halos pareho pati tayo ng mga paboritong manunulat. Palagay ko, magkakasundo tayo sa mga susunod nating babasahin.

Salamat K.D. ,., Peksman susuportahan ko tong grupong to. Ang saya kaya magbasa ng Tagalog.Zeke, Totoo ?? Lumayo Ka Nga Sa Akin ??? hehehe totoo ngang isa ka sa amin., Welcome sa Grupo :)
Salamat po, Sir K.D. Syempre po't susuportahan ko ang panitikang Pilipino. Ako nga po mismo ay isang frustrated writer. hehe. (frustrated nga ba, o frustrating?) Palagay ko rin po magkakasundo po tayo sa mga librong babasahin natin. Nakita ko po ang koleksyon nyo ng librong nabasa nyo na. Wow na lang po masasabi ko.Kuya [?] Jhive, salamat po! :D
Jhive at Zeke, nakakataba ng puso ang inyong mga salita. Hayaan ninyo, balang araw mababasa rin ninyong lahat yan. Basta, keep on reading. Pagkain ng isipan ang mga aklat.
Zeke, sabi nila, basa ka lang ng basa bago kay magsulat. At sulat ka lang ng sulat, baka balang araw dating din ang break mo. Pero sabi ni Bolano sa akin ngayong umaga: "Reading is more important than writing." (Savage Detectives, p.189). Siguro, dahil pagbabasa nga ang kailangan para maging handa sa pagsusulat.
Salamat sa inyong suporta. Masarap talagang magbasa ng aklat sa ating sariling wika. Kakaibang high.

Magandang umaga sa inyong lahat. Natutuwa ako na may ganitong samahan. Bagama't alam ni kaibigang KD na hindi ako malimit magbasa ng aklat sa Pilipino, nais kong iwasto ang aking kakulangan. Salamat sa paanyaya at malugod kong tatanggapin ang inyong mga rekomendasyon. :)Ang mga huli kong nabasa ng gawa ng ating kababayan:
Noli Me Tangere
Tall Story - Candy Gourlay
Smaller and Smaller Circles - F.H. Batacan
Alien to Any Skin at Baha-Bahagdang Karupukan - Jim Pascual Agustin
Juan Luna's Revolver - Luisa A. Igloria
Underground Spirit - mga maikling kwento na pinagtipon ni Gemino Abad
Maiba ako. May paraan bang maalis ang pulang agos sa ilalim ng mga salita. Nahihirapan akong magbasa ng aking sinusulat! haha
At KD, hindi ko ipinahiram yung Leche. Bigay ko yan sa iyo (dalawa pala yung kopya ko) :)
Veronica, magandang umaga!
Mabuti ipinaala-ala mo sa akin si Candy Gourlay. Gagawan ko na rin sya ng thread. Salamat.
Di ko rin alam paano maaalis ang pula. Sige, subukan kong hanapin. Baka may personal setting ito.
Ay, akin na pala yon? Salamat! Sana laging nagkaka-doble ang pag-order mo. Biro lang.

Marami pong salamat, Sir K.D sa pag-imbita rito. Lagi pa naman akong naghahanap ng mga mababasang tagalog(Filipino) books.Paboritong manunulat na lokal: Edgar Samar, Bebang Siy, Edgardo M. Reyes(sana'y buhay pa si Sir Edgardo, sayang!) Norman Wilwayco, Jun Cruz Reyes, Manix Abrera, Bob Ong.
Paboritong librong lokal: Sa mga Kuko ng Liwanag
Okey na okey 'to! Ngayon, dito ako titingin ng mga magagandang librong mababasa. Pati mga libro ng mga bagong manunulat na pilipino.
Gustong gusto ko talaga suportahan ang mga Pilipinong manunulat. Mabuhay!
Maraming salamat Sir K.D. sa paanyaya! Pangalan: Hannah
Paboritong manunulat na lokal: Jose Rizal, Jessica Zafra
Paboritong librong lokal: Noli Me Tangere, El Filibusterismo
Bakit sumama sa group: Makikita sa aking profile na kaunti pa lang ang nabasa kong Pinoy books. Gusto kong magbasa pa nang magbasa at makita ang mga magiging rekomendasyon ninyo.
*Taglish, sorry. Hehe*Hi, I'm Ingrid :)
Hindi pa ako nakakabasa ng ganun kadaming Filipino books so wala pa akong paboritong book and author.
Most of the books I've read yung mga maikli lang. Bob Ong. Ricky Lee. etc. (tamad lang, hehe)
At syempre yung mga required
Tapos yung ibang komiks.
Tapos... yun palang naman ang masasabi ko.
Not a hardcore fan of reading Filipino books, but open to recommendations. :D
Thank you for the invite K.D.!
:D
*Yes, nakaabot pa sa first page! :))*
Magandang umaga sa inyong lahat.
Paolo, halos pareho tayo ng mga kinagigiliwang manunulat. Oo, sayang si Reyes. Mahusay pa naman siya. Subali't nandyan naman ang mga magagandang aklat na iniwan niya sa tin.
Hannah, salamat sa pagiging open. Sana'y marami kang matuklasan ng totoong mas magaganda kaysa sa mga aklat ng mga banyagang kadalasan mong binabasa.
Ingrid, ay, andito ka na rin! Salamat sa pagsali. Ikaw na isang iskolar ng bayan, hindi magiging balakid ang pagkikipagkaisa sa lunggati't adhikain ng mga mamamayang nagmamahal sa ating Inang Bayan lalong lalo na sa kanyang napakabining wikang pinamana sa atin ng mga bayani ng mga nagdaang panahon. Ayan na, ang mga lumang salita. Na-inspire lang ako ng pagsali mo, Ingga.
Mabuhay kayo, mga kabataang muling bubuhay sa ating panitikang dinudominahan ng mga aklat ng mga dayuhan maging dito sa ating sariling bayan!

Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...

Yong akin.
Pangalan: K.D.
Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Jose Rizal (Spanish); Edgardo M. Reyes (Tagalog/patay na); Norman Wilwayco at Edgardo Calabia Samar (Tagalog/buhay pa), Nick Joaquin (English/patay na) at F. Sionil Jose (English/salamat naman at buhay pa).
Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: "Tata Selo" ni Rogelio Sicat at "Gilingang-Bato" ni Edgardo M. Reyes
Bakit sumama sa group: Mahalagang mayroon isang grupo dito sa GR na tumutulong para ma-promote ang mga librong sariling atin.
Puwede ka pa rin naman na magbasa ng English na libro pero hindi nating paguusapan yon dito.
Hindi rin tayo in-conflict (no politics please) with your other book clubs. Dahil dito puro librong Pinoy lang. Pansinin mo na puro YA or nobelang ingles na sinulat ng mga dayuhan ang binabasa nila. May specialization tayo. At ang ganitong book club ang kailangang-kailangan ng atin mga kababayan sa industriya ng pagsusulat (writing) at paglilimbag (publishing).
Sali na. Suportahan natin ang mga manunulat na Pinoy!