Pinoy Reads Pinoy Books discussion

335 views
Pangkalahatan > Mga Suhestiyon

Comments Showing 1-50 of 794 (794 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 15 16

message 1: by K.D., Founder (last edited Sep 28, 2012 03:19AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Apat na araw na tayo. Apatnapu't pitong mga miyembro. Di ko pa alam saan ang direksyon papunta ang grupo. Maaari bang humingi ng opinyon o suhestiyon ninyo?

- paraan para mas maraming sumali sa grupo na may totoong malasakit, kahit katiting, sa Panitikang Filipino:
* mga manunulat
* mga mambabasa

Halimbawa, gusto ko sanang maging parang "where the authors meet the readers" kind of online book club ito. Maganda bang objectivito yon? Saan ko ba puwedeng makontak ang mga manunulat na so far ay isinama ko rito (dahil nabasa ko na).

Hoping to hear from you soon.


message 2: by Rise (new)

Rise K.D., sa mga pwedeng imbitahan idagdag natin si Kristine Ong Muslim, isa ring poet.

Siguro maganda ring magkaroon ng kontak sa mga publishers mismo para magkapag-promote din sila dito kung meron silang bagong publikasyon.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan, salamat sa suhestiyon. Nakapagpadala na ako ng invite kay Kristine Ong Muslim. Naka-usap ko na sya sa thread doon sa kabilang grupo. Di ko lang alam ba't di pa sumasali. Sana makabasa ako ng akda niya balang araw. O may nakabasa na sa kanya at mag-add ng thread para sa kanya.

Iniisip ko, kung may mga link sa blogs ng mga authors, baka puwedeng mag-create ng thread para doon sila pupuntahan kung mayroon news about them.

Same thing diyan sa mga sinasabi mong mga publishers. Baka puwedeng magsimula by putting links in a thread. Ang experience ko, may mga authors talagang bumibisita sa mga book groups (at isa na dyan ang GR) para mag-promote nang walang gastos.


message 4: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Kuya Doni, suggestion ko, magkaroon tayo ng monthly short story discussion(online) paguusapan ang mga classic at mga bagong short story meron tayo. Hehe, Or Quarterly Pinoy Book Discussion. Hehe


message 5: by Rise (new)

Rise Nagdagdag na ko ng thread para kay Kristine. Nabasa ko ang 2 koleksyon nya ng tula, Night Fish at Insomnia, na pareho kong nagustuhan.


message 6: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayban, maganda ang suggestion mo. Paano tayo pipili ng maikling kuwentong paguusapan?

Ryan, salamat. Sana, magdagdag ka pa (o kayo) ng lahat ng mga authors na nagustuhan ninyo para magkaroon pa ng maraming choices ang mga miyembro.


message 7: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Ay, ayun ang hindi ko naisip, pwede na magbigay tayo ng isang author sa isang buwan at tipunin ang mga maiikling kwento nito, tapos mula dun, pipili tayo ng 1. :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ayban maganda ang ideya mo! Aprub sa akin yan!


message 9: by Louize (new)

Louize (thepagewalker) Ako din, agree kay Ayban. Quarterly book discussion, na tatakbo atleast 2 weeks. Kung mahaba haba ang libro pwedeng magdagdag ng ilang araw.


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, subukan natin. Para bang ganito:

Quarterly discussion of Short Stories.

4th Quarter (October to December 2012)

1st month 1st week: Nominasyon para sa libro
1st month 2nd week: Poll (top 2-3 books)
1st month 3rd week to
2nd month 2nd week (4 weeks) - Reading and online discussion ng napiling libro
2nd month 3rd week: Nominasyon para sa maikling kuwento
2nd month 4th week: Poll (top 2-3 stories)
3rd month 2nd week: Harapang Talakayan

Ganyan ba ang iniisip ninyo?


message 11: by Ultimotomasino (new)

Ultimotomasino | 25 comments Kuya, may suggestion ako.
Participate tayo sa mga lectures and workshops ng mga Literary Society ng Pilipinas, like Umpil at Lira.

Imbitahan natin din sa Goodreads sina Michael Coroza, DM Reyes, Sarge Lacquesta, at kung sino pang manunulat ang may account tapos choose tayo author of the month at mag discussion tayo tungkol sa mga isyung kinasasalihan ng literatura natin. Astig yun kasi meron tayong parang "expert opinion" kumbaga.
:)


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, Ultimotomasino. Gusto ko yata yang mga lectures. Sa workshops, puwede rin. Wag lang maraming susulatin.

Gusto mo silang imbitahan? Puwede basta mayroon kang email address nila. Lahat ng members ngayon, puwede nang mag-invite dahil PUBLIC na ang setting natin.

Tapos kung may nabasa ka nang aklat nila, puwede ka ring mag-create ng threads nila. Para rin magkaroon ang mga miyembro ng awareness na mayroong mga ganyang authors at works.

Salamat.


message 13: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Bakit walang thread si Lualhati Bautista? :)


message 14: by W (new)

W | 24 comments Mam Krizia, natatago po kasi. Click niyo po yung Showing 5 of 13 topics. Sa right side ng Pinoy Completists.


message 15: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments HAHA! Patawad! Hindi naghahanap, baka ako ay maging pinya at di ginagamit ang mata!


message 16: by K.D., Founder (last edited Oct 04, 2012 06:48AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Krizia, natutuwa ako sa pagpapaunlak mo sa paanyaya ko. Di mo lang alam kung paano mo ako pinaligaya. Di lang sa paghahanap kay Bautista kundi sa alamat ng pinya.

Salamat din sa paggiya, Paolo.


message 17: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Diyan naman magaling ang mga Pinoy diba. Di uso ang fairy tale sa atin. Mga alamat ang uso sa atin.


message 18: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Ang daming mga kwentong pinabasa sa amin nung HS na Pinoy. Yung iba nakalimutan ko na ang pamagat. Naalala ko lang yung "Urbana at Feliza", "Uhaw ang Tigang na Lupa". Mga maikling kwento ang mga ito.


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Krizia, oo. Wala tayong mga karakter na cute at may pakpak na parang si Tinkerbell. Ang meron tayo ay pangit na may pakpak: ang uso pa rin ngayon na manananggal.

Mayroon akong kopya ng "Urbana at Feliza." Epistolaryo yon.


message 20: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Oo tama para ba siyang diary?


message 21: by Krizia Anna (new)

Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments hinanap ko pa ibig sabihin ng paggiya! ANG LALIM... :)


message 22: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Parang diary kasi sinusulat nila ang ang karanasan nila sa araw-araw pero sa isa't isa. Parang magkaibigan yata silang nagsusulatan.

Pag-giya - pag-gabay.


message 23: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments 150th anniversary ng urbana at felisa next year, baka gusto natin basahin yun one of these days at talakayin? or maghold tayo ng event something-something sa January 2013.


message 24: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments BFF sina Urbana at Felisa hahahaha


message 25: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Napag-usapan namin ni K.D. baka gusto ninyong magkita-kita sa December 1. Balak kong isabuhay ang tips na matatagpuan sa sanaysay kong First Date na nasa aklat na It's A Mens World.

Heto ang mga pupuntahan:
Quiapo Church (meeting place)
Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
San Sebastian Church
Aristocrat Malate-dito tayo kakain
Manila Bay/Baywalk
CCP (uwian na after)

from San Sebastian Church or bago dumiretso ng Aristocrat, puwede rin tayong dumaan sa ancestral house namin sa Ermita (di tayo papasok ha? nahihiya ako sa mga kamag-anak ko hahahah). Pero makikita ninyo sa paligid ng bahay namin ang mga nakasulat at nakadrowing sa mapa sa Table of Contents ng It's A Mens World.

KKB po ang pamasahe at pagkain kasi wala po akong fund para dito :)

Open ang lakad na ito sa lahat ng gustong sumama.

Game?


message 26: by Rise (new)

Rise Cool na ideya, Beverly! Hindi ako siguradong makakasama pero maganda ang pinaplano mo.


message 27: by K.D., Founder (last edited Oct 05, 2012 03:31PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Game ako dyan, Beverly!

Magkaroon na rin tayo ng informal na diskusyon tungkol sa libro mismo habang nagkakape along the way.

Dec 1? Anong oras? Saan magkikita-kita? Pakisabi naman ang detalye ng plano para igagawa kita ng event invite. Puwede na rin natin sigurong gawing Libro Para sa Buwan ng Nobyembre ang "It's a Mens World" bago natin pagusapan sa unang araw ng Disyembre?

"First Date" Tour ni Bebang Siy!


message 28: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hahahaah nakakatuwa ka talaga, KD! Okay lang bang hindi ako kasama sa discussion ninyo kung gagawin ngang libro para sa buwan ng Nobyembre ang mens? nakakailang ahahaha at baka hindi ninyo masabi ang gusto ninyong sabihin!

Ok ba ang 1:00 pm? Quiapo Church. As in sa main entrance ng Church. Doon tayo magkita-kita.

Sana talaga wag umulan kasi maglalakad tayo sa ilang part ng First Date na ito.


message 29: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Bebang, sige. Wag ka nang kasama sa informal discussion. Wag ka na lang makinig. Naiintidihan ko.

Sige, 1pm, Quiapo Church. Ise-send ko ang invite baka bukas. Sana maraming pumunta. Pag umulan, kumain na lang tayo sa Isetann.


message 30: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments ayan, thank you, KD. pero i suggest, lahat ng gustong itanong sa akin, sasagutin ko sa ating FIRST DAtE. oks ba?


message 31: by K.D., Founder (last edited Oct 07, 2012 03:16AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
O sige. Sa online discussion, lurk-lurk ka na lang? Do you mind spoilers? O free-wheeling na ang discussion?
Puwede tayong magbigay ng rule na i-tag ang spoiler kagaya nito: (view spoiler)


message 32: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments KD, salamat uli. 1 million x. hindi ba ako puwedeng tanggalin doon? e baka maisip nila mahu hurt ako pag may di magandang comment, e di hindi maggiing honest ang talakayan? kumbaga, parang d ko tlaga makikita yung thread na yun, ever magpakailanman. posible ba yun?


message 33: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Beverly, ako na ang moderator sa online.

Sa First Date (tour) with Bebang Siy, informal na lang ang discussion. Parang habang nagme-meryenda. Doon ka na siguro sasagot ng mga questions nila (o namin).

Ok?


message 34: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Ay, parang masaya yata dito. Gusto ko yung first date! Pwedeng sumali? Haha.


message 35: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
"First Date" - w/ Bebang, w/ an author, w/ the members of this new group. So, this really is something we should all look forward to.

Para lang itong Da Vinci Tour sa Paris inspired by "The Da Vinci Code" ni Dan Brown. Malay mo, maging tourist itinerary ito balang araw na maging klasikong libro ang "It's a Mens World."


message 36: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Bagong interbyu! :)

7 Questions with 3-time Palanca winner Alwin Aguirre:
http://reevwrites.wordpress.com/2012/...

Dadaanin by Alwin C. Aguirre

Kuwentong Siyudad by Rolando B. Tolentino

Baka gusto nyo ring basahin...


message 37: by Rise (new)

Rise salamat, Reev, sa pagpapakilala ng mga bagong dugo na writers!


message 38: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Ryan wrote: "salamat, Reev, sa pagpapakilala ng mga bagong dugo na writers!"

Salamat Ryan...at sa ating lahat! :)

Eto yung isa sa mga short story ni author/editor Alwin Aguirre sa libro nya:

http://likhaan_online.tripod.com/0824...


message 39: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Reev, sinisigundahan ko ang sabi ni Ryan. Salamat sa pagpapakilala sa amin ng mga manunulat na iyan. Kahapon, tangan ko ang akda ni Chinggay Labrador at muntik ko nang bilhin. Ngunit sinabi ni Kwesi na pang-bata yon. Ay, baka sa susunod na lang.


message 40: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Kuya D, Hindi naman pangbata, basta pangteen. Exaggerated na kasi yun at para talaga yun sa mga Kpop fans. Baka mas lalo niyo pong di magugustuhan kaysa sa gawa ni Esguerra. Haha.


message 41: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Cute kasi si Chinggay. Parang gusto ko syang maging kaibigan.


message 42: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Haha. Nacutan rin ako sa kanya.


message 43: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Haha. Makakarating. :P


message 44: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Oct 11, 2012 01:26PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments speaking of cute...!

(view spoiler)


message 45: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kwesi, hala, tayo na ang magtatayo ng fans club ni Chinggay. Pakiramdam ko nga pupunta yan rito pag sinabi ni Reev na may mga tagahanga siya rito.

Po, karapatan mo yan.


message 46: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Po, ikaw naaaaa! Haha.


message 47: by Lyn Liza (new)

Lyn Liza (elaineandbiting) erhm, hello po, hindi ko talaga sigurado kung saan ko ilalagay to eh, pero uh, nakita ko 'to sa net.
http://karmelamanikis.wordpress.com/2...
saka ito http://saibangsalita.wordpress.com/20...
i-rerekomenda ko sana si Sir Yapan. ^_^ Nabasa ko na ung isang libro nya at maganda talaga!


message 48: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Basahin mo rin yong "Sambahin ng Katawan" ni Yapan. Sobrang nakakaaliw siyang magkuwento kahit gasgas na ang tema.


message 49: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hahahaha Po, gusto na kita ma-meet. to the highest level ang ka cute an mo siguro hahahaha

Maganda nga si Chinggay. SAlamat, Reev! Hindi pa ako nakakabasa ng work niya. hindi ako masyado fan ng ganitong genre pero meron ako sa sarili kong collection. konti lang, siguro panahon na nga para i update ang koleksiyon ko ng mga ganitong aklat


message 50: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Grabe, Lyn Liza! Ang haba ng entry tungkol kay Alvin. Pero nakakatuwa kasi hindi ko masyadong kilala si Alvin Yapan at sakto ang pagkakabasa ko nito kasi gusto ko nang basahin ang Sandali ng mga Mata niya. Next book to read ko yon! SAlamat talaga sa links na to.


« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 15 16
back to top