Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Mga Bagong Labas na Libro
Ilan sa mga bagong libro ngayon:
Imelda Marcos: The Rise and Fall of One of the World's Most Powerful Women ni Carmen Navarro Pedrosa
Published May 10 by Flipside Publishing
Mula sa Ungaz Press, ang ikalawang putok:
BAKA NG INA MO! : O bakit hindi palaging mother knows best nina Ronaldo Vivo Jr., Danell Arquero, Erwin Dayrit, Earl Palma, Ronnel Vivo, at Christian De Jesus
Hello po, may kilala po ba kayong pwedeng maging editor? :( Kailangan ko po talaga. Haha. Pangarap ko po kasing magkaroon ng libro. May marerecommend din po ba kayong magandang publishing house?
Rhisa, paumanhin. Wala akong alam sa ganyan. Hmmm, baka may sumagot sa iyo rito :)
May bago akong kabibiling libro:
ALTAR OF SECRETS: SEX POLITICS, AND MONEY IN THE PHILIPPINE CATHOLIC CHURCH
by Aries C. Rufo
Sabi ng kaibigan ko: "baka mamaya di ka na katoliko nyan." hehe
May bago akong kabibiling libro:
ALTAR OF SECRETS: SEX POLITICS, AND MONEY IN THE PHILIPPINE CATHOLIC CHURCH
by Aries C. Rufo
Sabi ng kaibigan ko: "baka mamaya di ka na katoliko nyan." hehe
Rise! Salamat sa thread na ito! Feeling ko kasi, hindi ako updated!KD: Pwede ko po bang hiramin yan pag tapos niyong basahin? Na-curious lang ako. Wala nagpapadala dito ng kopya (haha. Sorry I'm a cheapskate)
Coffee table book published this year, pero wala pang GR page -Philippine Style: Design and Architecture
by Lucca Tettoni and Elizabeth V. Reyes
http://www.anvilpublishing.com/shop/p...
Hindi. Anthology. Mukhang essays. Mula kay Dona Victorina hanggang sa tauhan ng movie na "Relasyon" na ginampanan ni Vilma Santos. In short, mga fictional at non-fictional querida characters.
Anvil reissues two books by Quijano de Manila-Reportage on the Marcoses
http://www.anvilpublishing.com/shop/r...
-Reportage on Politics
http://www.anvilpublishing.com/shop/r...
Mahal nga, gusto ko pa naman basahin itong mga "reportage" ni Q de M. May apat na series na (Marcoses, politics, love, crimes).
Nabasa ko na yung Crimes at Love. Maganda! :)Kaso, nung nakita ko to sa may NBS, nalungkot ako kasi ang mahal. Haha.
Nakita ko rin ang mga yan. Wala pa rin akong nabasa sa apat na reportage na yan pero meron na ako noong dalawa. Noong makita ko, sabi ko, ay marami namang kopya. Saka na lang hehe. Pero maganda yong mga cover. Sa suweldo na lang ako bibili.
Nasa Sionil mode pa din ako, narealize ko unti na lang ang nalalabing panahon at di ko pa nakukumpleto ang mga nobela/short stories niya. Kulang pa ako ng mga lima o anim. Nakapangako po ako na kapag nakumpleto ko si Sionil, si Quijano de Manila naman!
Nakabili nga po ako ng "Sin" last Saturday nung nagkita kami ni Ate Bebang sa Popular. Haha. Binili ko rin po yung nag-iisang kopya dun ng Tres Amores. Bibilin ko din sana yung Mingaw kaso inunahan nya ako. Haha.
Rise wrote: "Ilan sa mga bagong libro ngayon:
Imelda Marcos: The Rise and Fall of One of the World's Most Powerfu..."
Salamat, Rise, sa pagsama nito sa listahan nyo. Gusto ko ring ipaalam sa inyo na ang ebook at bagong print edition ng

The Untold Story of Imelda Marcos ni Carmen Navarro Pedrosa
ay available na rin sa iba't-ibang ebookstore (Amazon, Kobo, iBookstore, at Flipreads) at sa mga brick-and-mortar bookstores. Sana mabili at mabasa po ninyo. Salamat!
Malapit nang lumabas ang bagong aklat ko ng mga tula sa Inggles, SOUND BEFORE WATER (UST Publishing House, 2013). Nasa imprenta na. Ang mga tula ko naman sa Filipino, KALMOT NG PUSA SA TAGILIRAN, sana ay sa Agosto mapupunta na sa imprenta, may hinihintay lang na introduksyon sana. Samantala, kung miyembro kayo ng POETRY! - http://www.goodreads.com/poll/show/87... - finalist ang aking tula roon. Bagong tula, baka maisama sa susunod na aklat na tentatively titled SKY FOR SILENT WINGS (tinatapos pa ang manuskrito). Paumanhin at hindi ako madalas makadalo rito. Salamat po.
Jim
http://matangmanok.wordpress.com/2013...
Hindi ako miyembro ng grupo, Jim. Hindi rin ako sasali dahil hindi rin ako magiging aktibo. Anyways, sana ay anonymous ang poll para surprise at para hindi maapektuhan ng trending ang pagpili ng winner.
para naman sa mga nagbabasa ng Filipino children storybooks, may bago si Rhandee Garlitos,maaliw kayo sa kanyang "Ang Bonggang-bonggang Batang Beki".http://www.behance.net/gallery/Bongga...
Books mentioned in this topic
5 Mobile/Tablet Macro Photography Tips (other topics)5 Mobile/Tablet Macro Photography Tips (other topics)
Diary Of Valeria (other topics)
Sound Before Water (other topics)
Kalmot ng Pusa sa Tagiliran (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Atela Glys Bayud (other topics)Lakambini A. Sitoy (other topics)
Miguel Syjuco (other topics)
F.H. Batacan (other topics)
Dean Francis Alfar (other topics)
More...








Gamitin natin ang "add book/author" para madaling mai-link sa pahina ng libro.
Sa mga manunulat at publisher, pagkakataon na rin para ianunsyo ang mga bagong epektos.