Pinoy Reads Pinoy Books discussion

note: This topic has been closed to new comments.
51 views
Kahit Ano > Kumusta ang Araw Mo?

Comments Showing 1-40 of 40 (40 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dito sa thread na ito, kailangang ang post mo ay 6pm hanggang 12am (midnight) lang.

Dito sa thread na ito, ilagay ang inyong saloobin o nararamdaman o iniisip tungkol sa nangyari sa iyo ng araw na yon.

Pedeng hindi book o reading related. Wag lang maga-away. Mag-emote. Magkuwento. Kanya-kanyang trip lang.

Request ito ng ilang kakweba upang muling mabuhay ang homepage. At least honest ako na gusto kong sumigla ulit tayo.

Tandaan, dapat lubog na ang araw habang nage-emote ka rito.


message 2: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Hahaha nice gumawa nga ng thread! :D Kaso bakit gabi lang dapat? Bawal mag-emote habang may araw pa? Hahahahaha!


message 3: by K.D., Founder (last edited Apr 06, 2014 05:19AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibivy wrote: "Hahaha nice gumawa nga ng thread! :D Kaso bakit gabi lang dapat? Bawal mag-emote habang may araw pa? Hahahahaha!"

Bawal. Para may rule. Ito yong tipong tatanungin ka ng boyfriend mo o asawa mo (kung may asawa ka na) kung kumusta ang araw mo. Eh dahil puro walang boyfriend o asawa ang mga kakweba, dito na lang mag-emote.


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
4/6/2014

Umaga, nag-GR. Hapon, nagsimba. Kumain sa labas. Naghatid sa anak sa dorm. Ordinary lang. Ah, nagayos ng aparador ko para di mahirap maghanap ng damit sa umaga. Yon lang. Walang emote hehe.


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
4/7/2014

Hoy Clara, mag-post ka rito haha. Suggestion mo ito tapos ako lang ang magpo-post?

Anyway, ang umaga ko. Trabaho mula 6am hanggang 7pm. Tapos workout. Tapos bumili ng plastic cover para sa 7 books na binili ko sa Book Depository. Ah, tsaka nagpa-Annual PE ako sa office kanina. Yon lang ang naiba. Kinunan ako ng dugo, ECG, etc.


message 6: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
4/9/2014

Bakasyon!!! Basa GR/FB kain basa ligo tulog GR/FB kaya sumasakit ang mata ko kakabasa hehe.


message 7: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments April 9, 2014

Ngayong araw, meron kaming Annual Planning and Evaluation sa scholarship. Sa office nila sa Rockwell ang punta ko. First time kong bababa sa Estrella (mas malapit kasi don) kaya sabi ko sa kundoktor paki baba na lang ako dun. Tapos badtrip kasi kakaabot lang ng sukli sa'ken ng kundoktor (so alam nya na Estrella ang baba ko) tapos mga ilang minuto lang dumaan na pala kami sa Estrella! Eh hindi ko naman alam kasi yon. Ayan, lumagpas tuloy ako hanggang Megamall! Nung nakita ko lang yung Megamall saka ko narealize na lagpas na ko. Badtrip umaga ko, nagbus pa ko ulit pabalik.

Anyway, nakarating naman ako sa Rockwell ng matiwasay kahit late na ko. Tapos ayun, start na ng activities. Ang ginawa namin, inevaluate namin yung mga activities namen sa scholarship program nung nagdaang school year. Tiningnan namin yung good points, at kung ano ang dapat iimprove sa bawat activity. Sa totoo lang, yung leadership conference kasi namin last year ang boring kasi ang korni ng nakuha nilang organizer/facilitator kaya ayun sinabi din namin yun.

Mejo may punishment din sa mga di nagsuot ng shirt namen (tulad ko). Kailangan nameng magperform!! Kaya ayun, nagknock knock jokes kame. Havey naman jokes namen hahaha ang saya lang kasi puro tawanan XD

Ang saya kasi nakapagbonding ako with my fellow scholars. Kami kasi yung latest batch eh, so hindi ko pa kakilala yung ibang higher batch saka kahit yung iba sa batch ko. Pero kanina, nakapagbonding kami. Saka shempre bibo kid ako (hahaha!) kaya sagot ako ng sagot sa mga questions at di nila ako binibigyan ng mic kasi ang lakas daw ng boses ko XD

Tapos nung matatapos na yung araw kanina, may last activity kami na bibigyan namen yung scholars namen ng mga papel na may sulat na "someone who made me laugh," "someone who made me cry," etc. So happy kasi isa ako sa mga maraming natanggap, yung mga natanggap ko "someone who I want to know more," "someone who inspires me," "someone who understands me," "someone who I will include in my prayer." Yeah! \m/

Ang saya naman kasi talagang tine-take ng head ng scholarship program yung mga suggestions namin para mag-fit sa needs namin. Excited na ko next school year kasi mukang mas masaya mga activities!! :D

Wow diary na yata ako hahahahahaha! Just want to share my happiness and gratitude kasi ang saya talaga ng araw ko at super thankful ako sa scholarship program ko kasi worthwhile at helpful talaga sya. :)


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibivy wrote: "April 9, 2014

Ngayong araw, meron kaming Annual Planning and Evaluation sa scholarship. Sa office nila sa Rockwell ang punta ko. First time kong bababa sa Estrella (mas malapit kasi don) kaya sabi..."


Nakakaaliw. Ang haba!!! :) Sige, araw-arawin mo yan. Haha.


message 9: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
4/12/2014

Sa bahay maghapon. Nanood ng "Son of God" Medyo inantok kasi kahit gaano kagusto mong manood, alam mo na talaga ang mangyayari. Pero maganda yong dulo kasi medyo may extension yon kuwento. Haha.

Lalabas ngayon papunta sa office. May iche-check.


message 10: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Nasalubong ko si Billy at ang kanyang makatang pinakamamahal. Isa lang masasabi ko: Good job. :-)


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Reev wrote: "Nasalubong ko si Billy at ang kanyang makatang pinakamamahal. Isa lang masasabi ko: Good job. :-)"

Wow. Sayang di ko siya na-meet last week. Di kami nagpang-abot. Good job talaga. Tintrabaho talaga para mapasagot hehe.


message 12: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments At dahil 6pm na. :D

5AM nagising maaga kesa sa normal kong bangon sa umaga. Bago umalis ng bahay nakita ko ang aking lolo na kalong-kalong niya ang inaanak ko, bale apo na niya ito sa tuhod. Bago makalabas ng compound nakita ko ang kapitbahay namin na karga niya rin ang bagong silang niyang apo, ang cute ang pula-pula ng balat tapos di pa nakakadilat hehe.

Maagang dumating ang service, wala pang alas-otso ng umaga nakarating na rin sa trabaho. Wala masyadong pending na reports, nagconsolidate lang ng benta at pagdating ng hapon sinend na sa mga boss ang update.

Mga alas-tres ng hapon sa katirikan ng araw ay pumunta ako ng BDO para magbayad ng kung ano lang. Pagbalik sa opisina bumili ng chocolate drink. :D

Kinahapunan nag-umpisang maglurkey dito sa GR. :)


message 13: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Dear diary,

I am so busy with beach bumming and trips and work, Hindi ko na mabisita ang activities ng PRPB. :(


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
5/4/2014

Movie marathon:

Hobbit 1 & 2
Gravity
All is Lost
Blue Jasmine
The Secret Life of Walter Mitty

Boring ang Hobbit 1 & 2 dahil hindi ganoon ang libro. Parang pinahaba at may mga scenes na rehash ng LOTR. Naging exciting lang ng lumabas ang dragon hehe

Gravity - 5 stars. Wala akong masabi!!!

All is Lost - starring Robert Redford. Iba. Pero mas gusto ko ang Life of Pi hehe

Blue Jasmine - directed by Woody Allen so yong dialogue talagang tawa kami ng taw ng misis ko hehe

The Secret Life of Walter Mitty - 5 stars. Wala rin akong masabi!!! Ganda!


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
5/5/2014

Halos araw-araw dumadaan sa NBS Mega para tingnan kung may JANUS na haha! Wala pa rin!!! :(


message 16: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Dear diary,

Ang itim ng noo ko ahahahaha kakalangoy sa mga Isla ng Palawan. And you get to know its history, tall tales and other legends not just by attending tours, but also from speaking with the locales. I wish I can go back soon! People are so good and chivalrous, men are so gentlemanly nakaka-gush. You can't just find those here in Manila ahahahha

I am still wondering about the conservation of the marine life and the forests there. Sana po walang masasamang people who wants to dig out all the natural riches of Palawan.


message 17: by BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) (last edited May 13, 2014 12:13AM) (new)

BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Dear Diary ng mga Tiyanak,

lubos na natutuwa dahil sa natanggap na aklat ciempre hindi ko na nilubayan at binasa ko ng binasa.

nalulungkot lang dahil nagkalat pala ang mga hinayupak na mga Anak ng Tiyanak (THE NAPOOLIST?)-mga mapanlinlang at binulsa ang pera ng kaban ng bayan huhu

pero sabi nga sa aklat may pag-asa pa sa mga mabubuting Puso at Bagani.


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
5/14/2014

Maagang umuwi. Kaso ang bagal ng GR at nago-overheat ang laptop sa init ng panahon hehe.


message 19: by Juan (new)

Juan | 1532 comments walang kasing abala..haybuhay pero masaya! perstaym ko magpost dito dahil perstaym ko rin magbukas ng gr ngayong gabi...


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Dear Diary ng Lumbay ng Dila,

napakasaya at hindi malilimutang araw
kahit minsan ay puno ng pait, asim, at alat
pero sa huli anduon pa rin ang tamis ng buhay!

sasambulat, bubula, at imumumog mo pa haha!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments inspired! may chance! hehe


message 22: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chance na maofferan ng scholarship?


message 23: by Ineng (new)

Ineng | 10 comments kamusta kayo?? :)

~
ang hirap magsimula hahah


message 24: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ineng wrote: "kamusta kayo?? :)

~
ang hirap magsimula hahah"


Sige lang. Basta sumagot ka kahit saang thread. Maraming puwede lalo na sa "Magpakilala Ka" :)


message 25: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jun 14, 2014 11:47PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Dear Diary ng mga Tiyanak,

Napaka-saya ng araw ko sapagkat muling nakatanggap ng imbitasyon sa isang mahal na kaibigan na sumama sa kanyang pag-explore hehe.

Malungkot dahil muli n nmn sasapit ang araw ng Kalayaan pero Nasaan ang Kalayaan? Nasaan ang Daang Matuwid?

Buti na lang at may Pinoy Reads, sa aking pagbabasa taglay ko ang unawa at pag-intindi at nakapagbibigay ng positibo sa kabila ng karimarimaring na mga pangyayari sa ating bansa. (korapsyon, tag-gutom, kawalan hustisya, paglaganap ng mahihirap, mataas na porsiyento ng kawalan ng trabaho, atbp.)


message 26: by K.D., Founder (last edited Jun 13, 2014 04:19AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kami ni Po ay nanggaling sa Quezon, Quezon. Isang gabi lang ng inuman at swimming hehe.

May mga niyaya ako sa inyo, ayaw namang sumama. Masarap kaya roon. Puro kami kain hehehe.


message 27: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments (view spoiler)


message 28: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jun 18, 2014 10:30PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Araw ng Kalayaan at Pagbisita sa Alabat Island Pagkalipas ng Tatlong Taon (Hunyo 12, 2014)

"Ang sarap mabuhay!...walang panama ang cocolisap, napolist, supersireyna at mga Kuwentong Kahayupan"...

Napanganga at napamangha ako na masilayan ang napakagandang tanawin, mga bundok, kapatagan, bukid, puno ng niyog, mga huni ng ibon, malinis at malinaw na tubig, ang mga batang naliligo, ang malamig na simoy ng hangin na humahalik sa aking mga pisngi at mga ulap na nagpapa-pansin sa kanilang anyong bagay, hayop, o mukha ng tao. Ang tilamsik ng mga alon at sinag ng araw na tinatamaan ang mga mapuputing binti ng kababaihan.

Masasabi kong "ang sarap mabuhay!"...para akong isang preso na nakalaya sa bilangguan ng pagkabagot. Lubos kong nadama ang kalinga ng kalikasan at pakikisama ng isang tunay na kaibigan.

Kaibigan na handang dumamay sa iyo kahit ikaw ay nasa impiyerno o langit man. Kaibigan na gustong ipadama sa iyo ang pag-asa upang maging positibo at ituro ang tunay na pamana ng isang pamilya.

Bagamat isang araw lang kami doon, naramdaman ko ang maging isang hari dahil sa masasarap na pagkain,masarap na tulogan, masarap na kuwentuhan, masarap na paglangoy sa dagat.

Na-ikumpara ko ang Kalikasan sa mga Pilipinong Manunulat dahil sa angking kayamanan at kapangyarihan upang pukawin at impluwensiyahan ang ating puso't isipan sa pag-asang makabuo ng positibong pananaw upang patuloy na makipaglaban sa hamon ng buhay.

Napag-usapan din namin ang aklat ni Edgar Samar na Janus Silang, ni Geneviev Asenjo na Lumbay ng Dila, at ni Rhod Nuncio na 100 Aklat sa Aking Pagkamulat. Kung ang Tiyanak ba ang may sala sa maruming sistema ng pulitika sa ating bansa?. Na ang tao ay may iba't ibang panlasa o ideya na mahirap pagkaisahin? at ang mga aklat na huhulma o magbibigay saya, dagling-rebyu, paanyaya upang ang magagandang kaisipan o tanawin ay maisulat sa isang aklat.

Naka-inuman ko ang mga taga-roon- mabait, mapag-aqlaga, at masarap makisama. Napag-usapan namin ang tungkol sa Kalayaan. Nasaan na ba ang sinasabing Kalayaan ng Pilipinas? Nasaan na ang Daang matuwid?Nasaan na ang Kayo ang Boss ko? Sana ay huwag tayo paasahin sa isang singaw o bula ng mga pangako sa manggagawa, estudyante, at negosyo para sa maliliit na industrisya, trabaho, atbp. Pilit na tumatawa ang Diablo sa inuming Emperador. Masarap, gumuguhit si Heart Evangelista sa aking lalamunan patungo sa aking puso at pababa ng pababa parang espageti patungo sa mga buto at kalamnan ko. Nagkalat ang mga pesteng cocolisap, Napolist, korapsyon, kawalan ng hustisya atbp.

Mabuti na lang at may Alabat Island upang sandaling kalimutan ko ang mga problema. Baon ko sa aking pag-uwi ang mga magagandang ala-ala at tanawin na nagpalakas ng aking katawan at kaisipan tungo sa bagong pag-asa upang patuloy na makipaglaban sa hamon ng buhay, sa darating na bukas, at sa hinaharap.

Maraming salamat !...Alabat Island at kay Kuya Doni.


message 29: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha! Salamat, Po!!!


message 30: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jun 18, 2014 10:30PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Walang anuman KD the pleasure is yours always hehe anytime! anywhere!

Nasaan na ang picturenyo si Machete na may 6 paks! haha!i-post na yan sa FB haha!


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments super busog sarap!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Sabog!


message 33: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments pagod


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Basang basa!


message 35: by Bong (new)

Bong | 275 comments Pwede bang maglabas ng sama ng loob dito regarding sa work? Hahahaha mga echuserang mga teachers kasi. Nakakainis na crab mentality. Mga naiinggit kapag may nagagawa kang accomplishments.


message 36: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Relak ka lang pare. :) May mga kontrabida talaga sa buhay.


message 37: by Bong (new)

Bong | 275 comments Dude. Atrebida kasi yung mga chuchu. Hahaha inggitera. Naiinggit sa mga bago. Pinaghirapan kong buuin ang United Nations Day namin, gusto nila sa kanila ang recognition. Sobra na ata yun.


message 38: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Ay sobra na nga yon. Pero intindihin mo na lang. Baka kulang sa yakap nung bata pa sila kaya ganon. :)


message 39: by Bong (new)

Bong | 275 comments Adami na nilang casualties na ginawa. Dalawa na nga napatalsik nila sa school. Yung isang kaibigan ko tinanggal bilang adviser. Buti di pa nila ako nahahanapan ng butas. Nag mamainam kasi yung iba. Kakairita. Natuto na nga akong makipagplastikan.


message 40: by Jirvin Grace (new)

Jirvin Grace (jirvingrace) | 5 comments masaya


back to top
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.