Status Updates From Lila Ang Kulay ng Pamamaala...
Lila Ang Kulay ng Pamamaalam (Imus Novel 3) by
Status Updates Showing 1-30 of 121
Hanz Ferrer
is on page 245 of 392
Kalayaan, kaligayahan, at kawalan.
Sinong naghihiwa ng sibuyas? Igisa niyo na. Nagpupumiglas na luha ko. Lumiligalig na pati mga paa ko, o.
— Aug 10, 2026 06:47AM
Add a comment
Sinong naghihiwa ng sibuyas? Igisa niyo na. Nagpupumiglas na luha ko. Lumiligalig na pati mga paa ko, o.
Hanz Ferrer
is on page 175 of 392
Bakit nga ba gustong-gusto natin masagot ang napakarami nating mga tanong sa buhay? Totoo, Lila, mawawala lang ang tinatagong saya ng buhay kung malaman na natin lahat ang bawat sulok nito. Misteryo, napagtanto ko, ang tanging nagkakarga sa ganda, pati takot, ng buhay.
Ang mundo na binuo dito ni RM, parang kapeng mainit sa malamig na panahon (o gitna ng Bagyong Rosing, bilang bata).
— Aug 10, 2026 12:42AM
Add a comment
Ang mundo na binuo dito ni RM, parang kapeng mainit sa malamig na panahon (o gitna ng Bagyong Rosing, bilang bata).
Hanz Ferrer
is on page 50 of 392
May something sa kuwento kapag sinimulan sa mapait na huli. Kahit anong lambing ng sinimulan, laging may bahid ng pananabik. Ang hirap kiligin sa mga parteng nakakakilig. Ang hirap matuwa sa mga parteng dapat na nakatutuwa. Para kang nasa gitna ng maulan na NIA Road - o Snake Road - kita mo, sa isang tingala, ang matingkad na simula. Pero, mas posibleng madulas ka pababa.
— Aug 07, 2026 10:49PM
Add a comment
Hanz Ferrer
is on page 33 of 392
Kung makatatanggap ako ng love letter na ganito ang style ng sulat - matingkad, malalim, at malambing - ang angas ko, e, tuluyan na lang magiging "mayumi."
— Aug 07, 2026 10:39AM
Add a comment








