Juan’s Reviews > Ka Amado > Status Update

Juan
Juan is finished
Nakalugay na ang gabi, aking irog,
Anyaya ng luwalhati sa magdamag;
At kung kita’y mahimbing sa bungangtulog,
Puso natin ay hindi na makakalas

Ka Amado, Laging Abril
Jun 28, 2013 12:27AM
Ka Amado

flag

Juan’s Previous Updates

Juan
Juan is finished
walang bilang ng pahina itong Ka Amado dito sa GR?
Jun 28, 2013 12:28AM
Ka Amado


Juan
Juan is finished
Kami’y nagkakaintindihan sa hindi pagkakaunawaan.

~AGA Alejandro G. Abadilla on Ka Amado
Jun 28, 2013 12:26AM
Ka Amado


Juan
Juan is 60% done
Jun 28, 2013 12:26AM
Ka Amado


Juan
Juan is 55% done
Iba ang pagsali sa contest noon at ngayon.
Sa marami sa ngayon, iyon ay isang obsesyon.
Pampahaba iyon ng bio-data na magagamit ng mga titser na nagtuturo sa akademya.
Gamot din iyon sa ilang titser para ipaalalang, “Hoy, writer ka kaya.”
Kaya lang, dahil kakaiba na,
may matatandang sumasama ang loob kapag natalo
na akala mo’y doon lang nasusukat ang pagiging manunulat niya.

~Amang Jun Cruz Reyes
Jun 28, 2013 12:25AM
Ka Amado


Juan
Juan is 59% done
Laging nababago ang kultura dahil kailangan nitong umakma sa hinihingi ng panahon.

Laging may amalgamasyong nagaganap sa pagsasanib katutubo at dayuhan, ng tradisyonal at bago, ng tagaloob at tagalabas.

Walang pirming ako. Nagbabago-bago ang ako.

~Amang Jun Cruz Reyes
Jun 28, 2013 12:22AM
Ka Amado


Juan
Juan is 59% done
Sa Kaso ni Ka Amado, ang kanyang panulaan ang kanyaang biograpi.
Ang kanyang panulaan ang bunsuran ng kanyang ideology.
Ang kanyang tula at buhay ang kanyang praxis.

~ Amang Jun Cruz Reyes
Jun 28, 2013 12:22AM
Ka Amado


Juan
Juan is 59% done
May mga literaturang nabubuhay nang mas matagal kaysa mga Kasabay nito.
Iyon ay Sapagkat relevant pa rin ito sa mga pangyayari sa lipunan.

~Amang Jun Cruz Reyes
Jun 28, 2013 12:20AM
Ka Amado


Juan
Juan is 59% done
Sabi ni Ka Amado, iba ang tula. Doo’y makikita ang isip ng isang tao.

~Amang Jun Cruz Reyes
Jun 28, 2013 12:19AM
Ka Amado


Juan
Juan is 59% done
Anong klaseng tao ito, habang ang mga kapwa ay abala sa pagpapayaman, ay nanatiling mailap at di mawalay sa mga gawain sa pagpapalawak sa dimension ng ating kultura, kalaban ang sarili, pero buong buhay na naghahanap sa mga bagay na magpapayaman sa uri ng sang katauhan.

~florentino Dauz on Amado V Hernandez and the Future of the Tagalog Literature
Jun 28, 2013 12:16AM
Ka Amado


Juan
Juan is 56% done
Ang Pangangapa.

Gusto kong gumawa ng sa palagay ko’y mga makabuluhang akda na kayang basahin kahit ng mga tao sa labas ng akademya.

Bilang manunulat, naniniwala ako na 50 porsiyento lamang ang akda. Para iyon maging ganap na 100 porsiyento, kailangang isaalang-alang ang kabiyak nito, ang mambabasa.
Sino ang aking mambabasa?

~Amang Jun Cruz Reyes
Jun 28, 2013 12:16AM
Ka Amado


No comments have been added yet.