Kerima Lorena Tariman's Blog

October 31, 2007

Nakarating na ang Quiapo cinematheque sa kanayunan!

Nakarating na ang Quiapo cinematheque sa kanayunan! INT. Bahay ni Bog. Gabi. Walang takilya pero si Bog ang takilyero. Mga batang uhugin ang karamihan sa mga parukyano. Piso ang entrans sa sinehang walang pinilakang tabing. Ang 21” TV, “katas ng (export-processing) zone” ang siyang pokus ng atensyon. Nakahilera sa malamig na sementadong sahig ang mga manonood na lahat ay nakanganga.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 31, 2007 22:42

June 13, 2007

Tatlong Pelikula: An Inconvenient Truth, Tulad ng Dati, at isang anonymous blackprop film

Climate / ChangeNotes sa tatlong pelikula: An Inconvenient Truth ni Al Gore, Tulad ng Dati ni Mike Sandejas at isang pelikulang walang pamagat at credits na kumakalat sa Kamaynilaan, starring Bembol Roco, etc.Sa diwa ng pagba-blog, panay notes na lang muna ang ipo-post ng Rebyuhan. Kaysa naman sa hindi magpost ng kahit na ano, hindi ba?Matapos ang matagal-tagal na panahon ay nagkaroon tayong muli
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 13, 2007 23:34

June 3, 2007

Rivermaya, Isang Ugat, Isang Dugo 2006

etNotes sa Rivermaya, Isang Ugat, Isang DugoSino’ng magkakaila na karamihan sa mga tugtog sa radyo ngayon ay narinig na natin noon sa ibang konteksto at panahon? Lingid lang marahil ito sa mga batang ipinanganak pa lang sa nakaraang sampung taon – hindi nila naabutan ang manila sound noong 70s, ang kasikatan ng Apo Hiking noong 80s, at pagsambulat ng “alternatibong musika” noong 90s. Hindi ba’t
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 03, 2007 00:29

March 8, 2007

Gawad Ka Amado: Antolohiya 1999-2005

Gawad Ka Amado: Antolohiya 1999-2005Amado V. Hernandez Resource Center1997Ilang tala muna...Isang magandang balita ang paglalabas ng antolohiya ng mga nagwaging akda sa Gawad Ka Amado (GKA), ang taunang patimpalak pampanitikan ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC). Bilang isang institusyon layunin ng AVHRC ang isulong ang interes ng uring manggagawa -- nangunguna sa pagpapalaganap ng
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 08, 2007 18:21

October 26, 2006

Flipino, album ni Dong Abay, 2006

Rebyu ng FLIPINOalbum ni dong abaySynergy Music 2006"Original o pirated?" Huling tanong ni Dong Abay sa kantang "bombardment." Kung ako ang tatanungin, ang sagot ay pirated. Ipinagtanong din ang album nang minsang mapadaan sa tiangge sa bangketa. Kapalit ng 25 pesos ay inabot ng tindera ang piniratang kopya ng album na flipino. Pagdating sa lugar na may kompyuter, ni-rip at ginawang mp3, isinalin
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 26, 2006 22:01

August 29, 2006

Armando, biograpi ni Armando Teng, sinulat ni Jun Cruz Reyes

Rebyu ng Armando ni Jun Cruz ReyesInilathala ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC)2006Ipinakikilala sa librong Armando si Armando Teng, kadre ng rebolusyonaryong kilusan – ang dating Manding ng kanyang kabataan na naging malapit sa mga kasama at masa bilang Ka Simeon at iba pang alyas o pangalan sa pakikibaka. Hindi man mamalayan o asahan ng awtor, (ang tanyag na kwentista at propesor na
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on August 29, 2006 20:39

March 24, 2006

Mga Bidyo-Dokyu ng Gobyernong Arroyo-AFP, 2006

Hindi ito rebyuHindi naman talaga irerebyu rito ang mga “dokyu” ni PGMA/AFP. Sino ba namang walang magawa ang kusang-loob at buong-sigasig na magtitiyagang panoorin at tapusin ang mga “dokyu” na’to? Tsaka sining ang nirerebyu sa blog na ito, hindi basura.Kaso lang, tatlong istasyon ng TV ang nagagamit ng gobyerno kaya maya’t maya na lang ay naipapalabas ang mga “dokyumentaryo” na ito. Kaya hindi
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 24, 2006 22:39

March 13, 2006

Emergencia Poemas: Break Glass in Case of National Emergency, literary zine ng SIGAO-UP, Marso 2006

Isang iglapAng publikasyong iglap, gaya ng mga kapatid nitong dulang iglap at instant myural, ay pagpapatotoo sa papel ng sining sa mabilis na pagtugon sa maiinit na isyung panlipunan.Bilang tradisyunal na pugad ng mga aktibista at "Iskolar ng Bayan,” inaasahan din ang mabilis na pagtutol ng Unibersidad ng Pilipinas sa panunumbalik ng batas militar, sa anyo ng "national emergency” na idineklara
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 13, 2006 23:24

February 23, 2006

Noon at Ngayon (aka Moral II), pelikula ni Marilou Diaz-Abaya, 2003

Ganito Kami Noon, Heto na Kami NgayonNoon at Ngayonpelikula ni Marilou Diaz-AbayaStar Cinema 2003Sino pa kaya ang nakakaalala sa pelikulang Moral? Mga die-hard na tagapagtangkilik ng pelikulang Pilipino? Mga fans ni Ricky Lee? Mga kulturating tambay na nag-aabang ng film festival? Mga estudyante ng sinema? Mga kritiko?Sino pa, bukod sa maliit na “kulto” ng mga napahanga at napamahal sa
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 23, 2006 09:32

February 15, 2006

Salinlahi at iba pang kwento, ni Ditan Dimase, 2006

PatikimSalinlahi at iba pang kwentoni Ditan DimaseInilathala sa seryeng Anahaw ng Palimbagang Kuliglig, 2006Gaya ng ilang henerasyon ng mga batang manunulat, naging pangarap din ni Ditan Dimase na malathala ang kanyang mga kwento sa magasing Liwayway. Wika nga ng ilan – kapag nalathala ka na sa Liwayway, isa ka nang “tunay na manunulat.”Nakapaglathala man sa Liwayway, sa paglipas ng panahon ang
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 15, 2006 08:52

Kerima Lorena Tariman's Blog

Kerima Lorena Tariman
Kerima Lorena Tariman isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Kerima Lorena Tariman's blog with rss.