,

Buhay Quotes

Quotes tagged as "buhay" Showing 1-11 of 11
Ramon Bautista
“90% ng problema mo ay imbento lang.”
Ramon Bautista, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Ramon Bautista
“Kapag sumablay ka, isipin mo na lang na nagsimula ka din naman sa wala at walang nagbago.”
ramon bautista, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Eros S. Atalia
“...ang nabubuhay sa kahapon ay nabubuhay sa buntong hininga at ang nabubuhay sa kinabukasan ay nag-aaksaya ng hininga. Ngayon ako humihinga. Ngayon ako dapat mabuhay.”
Eros Atalia

Lualhati Bautista
“Pumapasok na nga ang 1975. Sana'y isang maganda at payapa kahit di na masaganang bagong taon. Isang taon ng kaligtasan sa mga di-pagkakaunawaan, sakit, aksidente, raids, mass arrest, encounter, assassination, at mga pa-traidor ng kamatayan!”
Lualhati Bautista, Dekada '70

“Minsan may ibang dahilan Kaya mo nasasabi yung Salitang pagod kana. Siguro Isa sa mga rason ay ang malaking pag kakaiba ng ugali, sa kung anong trip, sa estado ng buhay, sa pananalita, sa mga galawan, sa pinapanuod, sa kinakain,??? . Ang dagok na kinasasangkotan mo ay hindi dahilan Para sumuko! ang problema at pagsubok ay kakambal na ng ating buhay hindi mo maiiwasan yun, palagan mo at yun ang naaayon, desisyon mo kung ano ang makakabuti sa bawat pagtawid mo sa problema, dun ka matututo. lawakan ang pangunawa, ang magpapabago satin upang maging mabuting tao..”
Napz Cherub Pellazo

“Karanasan ang magsilbing aral sa tinatahak mong buhay.”
Napz Cherub Pellazo

“Ang simula at wakas ay magkamukha; sa bawat wakas ay may nakalaang simula.”
Napz Cherub Pellazo

akosiastroboy
“Ngiti ka lang kahit naiinis ka at kahit hindi nangyayari ang mga gusto mo. Dahil ang ngiti na dinulot nito ang magpapagaan ng buhay mo.”
akosiastroboy, Bilog ng Kabutihan

Sycamore Wild
“SUMUKO ka. Pero hindi ibig sabihin nun titigil ka. Ang pagsuko ay ang pag-alam sa tunay at dalisay na takbo at hangarin ng iyong buhay. Hubaran mo ang iyong pagkatao, katulad ng mga panahong wala ka pang muwang sa mundo. Burahin mo ang bawat katotohanang ikinintal at pilit ipinaintindi ng magulong umiinog na globo. Magsimula ka sa wala. SUMUKO ka, kapara ng unang pagkakataon na HUBAD at BATA ka pa. Nang sa gayun makita mo, kung SINO ka ngang talaga.”
JinQue RD

“Hindi ako malakas, ngunit may malakas akong Diyos na nagpoprotekta sa akin bawat sandali ng aking buhay.”
Napz Cherub Pellazo

“Unti-unti ko ng natutunan tanggapin ang mga bagay na dati ayaw kong mawala.”
Napz Cherub Pellazo