Pinoy Reads Pinoy Books discussion
This topic is about
Dugo sa Bukang-Liwayway
ABSBYNGPGBBSNGAKLT
>
Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio Sicat - Paolo, Ayban at K.D. - 11/8 hanggang 11/16/2012 (Tapos na!)
date
newest »
newest »
Maaari bang sa ikalawang linggo ng Nobyembre natin simulan 'to. Umaasa kasi akong makahahanap ng murang kopya sakaling bumisita ako sa UP Press sa oksayon ng kanilang Annual Sale.Salamat! :)
Yey! Sa kauna-unahang pagkakataon makaka-buddy read ko si Ayban, Jzhun at Paolo. Ang tatlong mga kabataang unang kinakikitaan ko ng labis na pagpapahalaga sa akdang Filipino. Mabuhay kayo!
Jzhun at Paolo, sisimulan na ba natin ito sa Lunes, ika-12 ng Nobyembre 2012? Para magawa ko na ang reading plan?
K.D. wrote: "Jzhun at Paolo, sisimulan na ba natin ito sa Lunes, ika-12 ng Nobyembre 2012? Para magawa ko na ang reading plan?"Kuya D, wala pa kong kopya. At baka may bago akong dumating na project next week. Tignan ko muna. Kung sakali, magsabay-sabay na kayo ng pagbabasa kahit wala ako.
Kuya Doni, sa pagkakatanda ko walang tsapter ang libro, nahahati lang ito sa mga bahagi, Una at Ikalawa.
Unang Araw: 11/9/2012
Binabasa ko pa lang ang Panimula na sinulat ni Virgilio S. Almario. Ito yatang si Sikat ay yong taga-UST na engineer. Pero iniwan ang pagiging engineer at nagsulat na lang. Na-impluwensiyahan ng Agos boys (na pawang mga taga-MLQU. Ang sinasabi nilang paaralan ng mahihirap). Nag-retiro sa UP bilang prof bago mamatay. Ang asawa niya ay si Ellen Sicat (Unang Ulan ng Mayo) at anak nila ay si Luna Sicat na writer din.
May tatlong araw pa ako para tapusin ang panimula at ang unang bahagi. Araw-araw lang akong magpo-post dito para may progress. Ganoon lang ang gawin natin, hane Paolo?

Oo, kasi minsan may spoilers pa. Habang nasa banyo kaninang umaga, napag-alaman ko na ito pala ay kuwento ng mag-ama. Sus, baka bigla kong ma-miss ang ama kong sumakabilang buhay na. Sabagay, miss ko naman yon lagi. Pero malambot ang puso ko sa mga kuwento ng mag-ama. Puwera lang yong post-apocalyptic novel ni McCarthy (ay di natin puwedeng pag-usapan dito kasi di yon Pinoy book).
Kababasa ko lang pero di ko pa tapos. Ang ibig kong sabihan ay tama ka, Paolo. Binalak gayahin ni Sicat ang "War and Peace" ni Leo Tolstoy. Nagkulong sa probinsya sa loob ng 6 na buwan at walang ginawa kundi magsulat. Tapos, heto, ganito lang kanipis ang libro. Baka naman maganda pa rin?
Sana mameet ng Dugo sa Bukang Liwayway ang expectation mo, kuya, medyo may pagka social at agraryong nobela ito may pagkahawig sa Luha ng Buwaya. Sali ako sa inyo, sa Linggo ako magsisimula, may pasok pa kasi ako mamaya. Haha. :P
Pangalawang Araw: 11/10/2012
Katatapos ko lang ng Panimula. Second place lang pala ito sa timpalak ng Liwayway. Sour loser ang dating ni Rogelio Sikat at parang sinasabi kasi dapat hindi naka-kahon ang kuwento. Hindi dapat may required length. Nag-suffer siguro ang plot nya noong tagpas-tagpasin ng Liwayway. Bago ba sya nagplano na sumulat ng epiko (ito supposedly) hindi nya alam na may requirements ang Liwayway?
Ayban, sana nga, magustuhan ko ito. Ikaw ang nag-recommend nito sa akin at parang wala pa tayong di napagkasunduan sa mga nabasa na natin.

Pangatlong Araw: 11/11/2012
Hala, sa sobrang ganda ng libro. Nakatapos ako ng Unang Bahagi at di ko napigil ang sarili ko na umpisahan ang Pangalawang Bahagi.
Andoon na parte na panay na ang ubo ni Tano dahil pahina na ito ng pahina. Tapos nagbibinata na si Simon at may gusto ito kay Elena. Ngunit dahil sila ay mga hamak na sakada lamang, pinaiiwasan na silang dalawa na magkita ng kanilang mga magulang.
Poor boy loves rich girl. Alam na nating gasgas na ang plot. Pero ang pagkakahabi nito sa mga sub-plots ang lubhang nagpapaganda ng nobela. Sa katunayan nga, itong main plot ay ngayon palang nagsisimula. Nasa halos kalahatian na ako ng libro.
Mas pinatuunan ng pansin sa unang kalahati ang relasyon ng mag-ama (nagbubuno sila. "Ano't nakikibagpuno si Tano sa kanyang anak?"). Sobrang lapit nila sa isa't isa pero hindi mushy ang kuwento. Hindi baduy. Lutang talaga ang ganda at mahika ng prosa ni Rogelio Sikat. Mas matulain kaysa sa prosa ni Edgardo M. Reyes.

Importante kasi sa manunulat na bigyang paglalarawan ang setting o milieu ng kuwento para magiwan ng mga imahen sa isip ng mambabasa. Mahusay rin si Rizal sa aspetong ito. Maging si F. Sionil Jose.
Gasgas na talaga ang ganyan, Paolo. Pero walang kamatayan yan. Deathless plot ika nga. Kasi kahit sa ayaw mo at hindi, may nangyayaring ganyan. Hindi man kalayo sa agwat ng anak ng haciendero at anak ng isang sakada, lagi pa rin, kapag may magkasintahan, ang isa ay nakalalamang sa isa: maaaring sa yaman, sa pinag-aralan, sa talino, sa ganda ng mukha o katawan, sa personalidad, at iba pang aspeto. May ganoon pa rin, naiba lang konti ng anggulo.
Kanta ni Simon na natutunan sa escuelahan. Sorry, di ko na rin inabot yan.

Unang Bahagi palang ako.Isa siguro sa katangian ni Sikat sa pagsasalaysay ay ung makikita mo sa isip mo ang kanyang sinasabi, magaling syang maglarawan ng lugar at pangyayari nang walang gaanong arte sa prosa at paligoyligoy.
Hintayin kita. Tatapusin ko na lang muna si Kerima Polotan. Tapos pag natapos ko ito, susunod ko ang "Luha ng Buwaya" para maibalik ko na rin kay Ayban ang aklat niya.
Pang-apat na Araw: 11/12/2012
Tinapos ko kaninang umaga ang Pangalawang Bahagi. Hihinto muna ako hangga't di ka nakakarating diyan. Di ko lang makita yong aklat kong binabasa. Yong kay Kerima Polotan, kaya't yan ang naisipan kong basahin.
Nakita ko yong pagkakatulad sa plot ng Noli-Fili dahil kay Simon. Pero sabi nga nila, kahit ang Fili naman ay may hawig sa "The Count of Monte Cristo" ni Alexander Dumas. Kaya't walang kaso yan.

Nasa Ikatlong bahagi na ako. Napansin ko lang, mahilig maghambing si Sikat, isa yun sa ginagamit nya para makapaglarawan ng mga karakter at pangyayari sa kwento.
Kung tutuusin, tila maraming karakter ang kwento bagamat sa sulpot-sulpot lang ang mga pagbanggit sa kanila o kadalasan at pahapyaw ang lang nilalaang paglalarawan sa kanila, tila palamuti lang pero lahing naghahambing sa mga pangunahing karakter.
Oo nga, Paolo. Di bale, masasanay ka rin. Ganyan din ako dati, plot driven. Tsaka gusto ko yong maraming dialogues. Pero darating din yong time na mage-enjoy ka sa narratives. Iyong ang strength nina Sicat at Jun Cruz Reyes. Kumpara kay Edgardo M. Reyes na plot-driven.
Pang-anim na Araw: 11/14/2011
Naroon na ako sa part na nagpagawa ng paaralan si Simon. Hay. Totoo ngang maganda ang prosa at detalyado ang paglalarawan ng setting pero parang mga rehash ng:
Fili - Simon /Simoun - edukasyon ang solusyon
Monte Cristo - utay utay na paghihiganti
Tata Selo - andoon din ang tauhan ni Fili at tauhan niya sa maikli niyang kuwento
Sana gumanda sa mga nahuhuling pahina.

Nawawala ang gana ko kaninang binabasa ko ito. Di ko tuloy natapos. Sobrang dami nang pagkakapareho. Sana'y masorpresa ako sa mga huling kabanata. Kung hindi...
Sige, tatapusin ko na bukas na umaga.
Huwag kalimutan ang kamera para sa picture-taking with Prof. Egay. Magkikita raw tayo sa Ateneo Press. Manananghali. Tapos punta tayo sa opisina para bigyang ng mga kopya ng UBOD. Andoon siya ng 11am. Hapon ang mga klase nya. Pupunta lang siya ng 11am para sa atin.

Pang-pitong Araw: ika-15 ng Nobyembre 2012
Tapos ko na. Maibigan ko naman. Mahusay ang pagkakasulat. Sobrang dami lang ng pagkakapareho sa Fili at Count of Monte Cristo.
Ito ang aking rebyu: (3 stars).
Salamat sa mga kasabay kong nagbasa: Paolo at Ayban.
Yey! Pinakaunang buddy read sa PRPB! Sakses!

DUGO SA BUKANG-LIWAYWAY
ni Rogelio Sicat
... at dahil babasahin rin lang namin, bakit di ba sabay at nang makapagpalitan ng kuro-kuro?
Hindi pa kami nagusap kung kailan sisimulan ang pagbabasa ka. Ngunit kung interesado kang sumama sa amin at may gusto kang i-rekomendang petsa, pakisabin na lang sa ibaba ng mensahing ito.