Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Dugo sa Bukang-Liwayway
This topic is about Dugo sa Bukang-Liwayway
184 views
ABSBYNGPGBBSNGAKLT > Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio Sicat - Paolo, Ayban at K.D. - 11/8 hanggang 11/16/2012 (Tapos na!)

Comments Showing 1-33 of 33 (33 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kami nina Paolo, Jzhun ay may kopya na ng librong ito:

Dugo sa Bukang-Liwayway by Rogelio Sikat
DUGO SA BUKANG-LIWAYWAY
ni Rogelio Sicat

... at dahil babasahin rin lang namin, bakit di ba sabay at nang makapagpalitan ng kuro-kuro?

Hindi pa kami nagusap kung kailan sisimulan ang pagbabasa ka. Ngunit kung interesado kang sumama sa amin at may gusto kang i-rekomendang petsa, pakisabin na lang sa ibaba ng mensahing ito.


message 2: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kelan ka puwedeng magsimula, Paolo? Ako kahit kailan. Shuffle shuffle lang.


message 3: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ikaw, Jzhun? Kailan ka puwedeng magsimula nito?


message 4: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maaari bang sa ikalawang linggo ng Nobyembre natin simulan 'to. Umaasa kasi akong makahahanap ng murang kopya sakaling bumisita ako sa UP Press sa oksayon ng kanilang Annual Sale.

Salamat! :)


message 5: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige.


Ayban Gabriyel | 207 comments sali ako, reread ko to. Nagandahan ako dito, yun nga lang hindi ako nakagawa ng review. Hehe.


message 7: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yey! Sa kauna-unahang pagkakataon makaka-buddy read ko si Ayban, Jzhun at Paolo. Ang tatlong mga kabataang unang kinakikitaan ko ng labis na pagpapahalaga sa akdang Filipino. Mabuhay kayo!


message 8: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun at Paolo, sisimulan na ba natin ito sa Lunes, ika-12 ng Nobyembre 2012? Para magawa ko na ang reading plan?


message 9: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Jzhun at Paolo, sisimulan na ba natin ito sa Lunes, ika-12 ng Nobyembre 2012? Para magawa ko na ang reading plan?"

Kuya D, wala pa kong kopya. At baka may bago akong dumating na project next week. Tignan ko muna. Kung sakali, magsabay-sabay na kayo ng pagbabasa kahit wala ako.


message 10: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paolo, simula na tayo sa Biyernes? 1 tsapter kada araw?


message 11: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, simula na tayo sa Biyernes. Lalagyan ko na ng petsa sa header.


Ayban Gabriyel | 207 comments Kuya Doni, sa pagkakatanda ko walang tsapter ang libro, nahahati lang ito sa mga bahagi, Una at Ikalawa.


message 13: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ay sige, 4 days kada hati. 8 days lahat. Ayos ba Paolo?


message 14: by K.D., Founder (last edited Nov 08, 2012 01:36PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Unang Araw: 11/9/2012

Binabasa ko pa lang ang Panimula na sinulat ni Virgilio S. Almario. Ito yatang si Sikat ay yong taga-UST na engineer. Pero iniwan ang pagiging engineer at nagsulat na lang. Na-impluwensiyahan ng Agos boys (na pawang mga taga-MLQU. Ang sinasabi nilang paaralan ng mahihirap). Nag-retiro sa UP bilang prof bago mamatay. Ang asawa niya ay si Ellen Sicat (Unang Ulan ng Mayo) at anak nila ay si Luna Sicat na writer din.

May tatlong araw pa ako para tapusin ang panimula at ang unang bahagi. Araw-araw lang akong magpo-post dito para may progress. Ganoon lang ang gawin natin, hane Paolo?


message 15: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo, kasi minsan may spoilers pa. Habang nasa banyo kaninang umaga, napag-alaman ko na ito pala ay kuwento ng mag-ama. Sus, baka bigla kong ma-miss ang ama kong sumakabilang buhay na. Sabagay, miss ko naman yon lagi. Pero malambot ang puso ko sa mga kuwento ng mag-ama. Puwera lang yong post-apocalyptic novel ni McCarthy (ay di natin puwedeng pag-usapan dito kasi di yon Pinoy book).


message 16: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mataas ang ekspektayson ko rito, Paolo. May naringgan ka na ba na pangit?


message 17: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kababasa ko lang pero di ko pa tapos. Ang ibig kong sabihan ay tama ka, Paolo. Binalak gayahin ni Sicat ang "War and Peace" ni Leo Tolstoy. Nagkulong sa probinsya sa loob ng 6 na buwan at walang ginawa kundi magsulat. Tapos, heto, ganito lang kanipis ang libro. Baka naman maganda pa rin?


Ayban Gabriyel | 207 comments Sana mameet ng Dugo sa Bukang Liwayway ang expectation mo, kuya, medyo may pagka social at agraryong nobela ito may pagkahawig sa Luha ng Buwaya.

Sali ako sa inyo, sa Linggo ako magsisimula, may pasok pa kasi ako mamaya. Haha. :P


message 19: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pangalawang Araw: 11/10/2012

Katatapos ko lang ng Panimula. Second place lang pala ito sa timpalak ng Liwayway. Sour loser ang dating ni Rogelio Sikat at parang sinasabi kasi dapat hindi naka-kahon ang kuwento. Hindi dapat may required length. Nag-suffer siguro ang plot nya noong tagpas-tagpasin ng Liwayway. Bago ba sya nagplano na sumulat ng epiko (ito supposedly) hindi nya alam na may requirements ang Liwayway?

Ayban, sana nga, magustuhan ko ito. Ikaw ang nag-recommend nito sa akin at parang wala pa tayong di napagkasunduan sa mga nabasa na natin.


message 20: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pangatlong Araw: 11/11/2012

Hala, sa sobrang ganda ng libro. Nakatapos ako ng Unang Bahagi at di ko napigil ang sarili ko na umpisahan ang Pangalawang Bahagi.

Andoon na parte na panay na ang ubo ni Tano dahil pahina na ito ng pahina. Tapos nagbibinata na si Simon at may gusto ito kay Elena. Ngunit dahil sila ay mga hamak na sakada lamang, pinaiiwasan na silang dalawa na magkita ng kanilang mga magulang.

Poor boy loves rich girl. Alam na nating gasgas na ang plot. Pero ang pagkakahabi nito sa mga sub-plots ang lubhang nagpapaganda ng nobela. Sa katunayan nga, itong main plot ay ngayon palang nagsisimula. Nasa halos kalahatian na ako ng libro.

Mas pinatuunan ng pansin sa unang kalahati ang relasyon ng mag-ama (nagbubuno sila. "Ano't nakikibagpuno si Tano sa kanyang anak?"). Sobrang lapit nila sa isa't isa pero hindi mushy ang kuwento. Hindi baduy. Lutang talaga ang ganda at mahika ng prosa ni Rogelio Sikat. Mas matulain kaysa sa prosa ni Edgardo M. Reyes.


message 21: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Importante kasi sa manunulat na bigyang paglalarawan ang setting o milieu ng kuwento para magiwan ng mga imahen sa isip ng mambabasa. Mahusay rin si Rizal sa aspetong ito. Maging si F. Sionil Jose.

Gasgas na talaga ang ganyan, Paolo. Pero walang kamatayan yan. Deathless plot ika nga. Kasi kahit sa ayaw mo at hindi, may nangyayaring ganyan. Hindi man kalayo sa agwat ng anak ng haciendero at anak ng isang sakada, lagi pa rin, kapag may magkasintahan, ang isa ay nakalalamang sa isa: maaaring sa yaman, sa pinag-aralan, sa talino, sa ganda ng mukha o katawan, sa personalidad, at iba pang aspeto. May ganoon pa rin, naiba lang konti ng anggulo.

Kanta ni Simon na natutunan sa escuelahan. Sorry, di ko na rin inabot yan.


Ayban Gabriyel | 207 comments Unang Bahagi palang ako.

Isa siguro sa katangian ni Sikat sa pagsasalaysay ay ung makikita mo sa isip mo ang kanyang sinasabi, magaling syang maglarawan ng lugar at pangyayari nang walang gaanong arte sa prosa at paligoyligoy.


message 23: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hintayin kita. Tatapusin ko na lang muna si Kerima Polotan. Tapos pag natapos ko ito, susunod ko ang "Luha ng Buwaya" para maibalik ko na rin kay Ayban ang aklat niya.


message 24: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pang-apat na Araw: 11/12/2012

Tinapos ko kaninang umaga ang Pangalawang Bahagi. Hihinto muna ako hangga't di ka nakakarating diyan. Di ko lang makita yong aklat kong binabasa. Yong kay Kerima Polotan, kaya't yan ang naisipan kong basahin.

Nakita ko yong pagkakatulad sa plot ng Noli-Fili dahil kay Simon. Pero sabi nga nila, kahit ang Fili naman ay may hawig sa "The Count of Monte Cristo" ni Alexander Dumas. Kaya't walang kaso yan.


message 25: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pang-limang Araw: 11/13/2012

Zzz


Ayban Gabriyel | 207 comments Nasa Ikatlong bahagi na ako.

Napansin ko lang, mahilig maghambing si Sikat, isa yun sa ginagamit nya para makapaglarawan ng mga karakter at pangyayari sa kwento.

Kung tutuusin, tila maraming karakter ang kwento bagamat sa sulpot-sulpot lang ang mga pagbanggit sa kanila o kadalasan at pahapyaw ang lang nilalaang paglalarawan sa kanila, tila palamuti lang pero lahing naghahambing sa mga pangunahing karakter.


message 27: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga, Paolo. Di bale, masasanay ka rin. Ganyan din ako dati, plot driven. Tsaka gusto ko yong maraming dialogues. Pero darating din yong time na mage-enjoy ka sa narratives. Iyong ang strength nina Sicat at Jun Cruz Reyes. Kumpara kay Edgardo M. Reyes na plot-driven.


message 28: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pang-anim na Araw: 11/14/2011

Naroon na ako sa part na nagpagawa ng paaralan si Simon. Hay. Totoo ngang maganda ang prosa at detalyado ang paglalarawan ng setting pero parang mga rehash ng:

Fili - Simon /Simoun - edukasyon ang solusyon
Monte Cristo - utay utay na paghihiganti
Tata Selo - andoon din ang tauhan ni Fili at tauhan niya sa maikli niyang kuwento

Sana gumanda sa mga nahuhuling pahina.


message 29: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nawawala ang gana ko kaninang binabasa ko ito. Di ko tuloy natapos. Sobrang dami nang pagkakapareho. Sana'y masorpresa ako sa mga huling kabanata. Kung hindi...


Ayban Gabriyel | 207 comments Gawa tayo ng mini-discussion nito bukas! Hehe,

Marami ngang pagkakahambing sa Fili.


message 31: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, tatapusin ko na bukas na umaga.

Huwag kalimutan ang kamera para sa picture-taking with Prof. Egay. Magkikita raw tayo sa Ateneo Press. Manananghali. Tapos punta tayo sa opisina para bigyang ng mga kopya ng UBOD. Andoon siya ng 11am. Hapon ang mga klase nya. Pupunta lang siya ng 11am para sa atin.


message 32: by K.D., Founder (last edited Nov 15, 2012 01:02PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pang-pitong Araw: ika-15 ng Nobyembre 2012

Tapos ko na. Maibigan ko naman. Mahusay ang pagkakasulat. Sobrang dami lang ng pagkakapareho sa Fili at Count of Monte Cristo.

Ito ang aking rebyu: (3 stars).

Salamat sa mga kasabay kong nagbasa: Paolo at Ayban.

Yey! Pinakaunang buddy read sa PRPB! Sakses!


message 33: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments congratulations sa inyo, KD,paolo at ayban!


back to top